Pighati ng Puso

146 2 0
                                    

Sa mga panahong akin ka pa,
Masaya ang nararamdaman, oh sinta.
Bawat araw may nararamdamang kasiyahan,
Sa aking puso ay naiwan.

Pero bakit ganon? Naglaho nalang bigla,
Nang ako'y iniwan mo sa may bangketa.
Di makapaniwala, ako'y umiiyak,
Nadudurog ang puso na kanina lang may galak.

Ano nga ba ang aking ginawa?
Wari ko'y wala naman akong sala.
Para kang isang bula, naglaho ng biglaan,
Walang dahilan, iniwan ang puso kong nasaktan.

Masaya ka na siguro ngayon no?
Samantalang ako, nagdadalamhati parin dito.
Di mo manlang inisip kung okay ba ako?
Sa totoo lang kasi, ayoko ng mabuhay sa mundong ito.

Ano pa kaya ang saysay ng buhay ko?
Kung wala ka na sa tabi ko.
Na dati ang saya ko ng dahil sayo,
Ngayon ako'y nalulumbay na ng todo.

Sigaw ng puso kalimutan kana,
Pipigilan ng isip wag daw muna.
Sarili ko'y nahihirapan na, ano ba talaga ang pasiya?
Tuluyan kana bang kalimutan o aking sinta?

Ayoko na, pighati ng aking puso'y sobra na,
Gusto ko sana balikan ka,
Pero sabi nga nila, tanga ka lang kung babalikan mo siya,
Pababayaan na kita, aking mahal, malayang malaya kana.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Vote, comment, and follow.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now