29th Poem: Wikang Filipino

1K 12 5
                                    

(cttro)

Wikang nakagisnan sa limot ibinaon.
Medyum sa talastasan, nababago taun-taon!
Dili baga’y nakababahala sa ating lahat,
Kalimutan salitang nanalaytay sa ugat?
Sa wikang banyaga’y ika’y matatas,
Kung kaya’t pananaw sa sarili’y mataas.
Iniwan ang kan’ya; bakit, Pilipino ka pa ba?
Hindi ko madama, ngayo’y sino kana ba?
Ika’y nakakaawa at tila basang itik;
Ang sariling atin, hindi mo matangkillik.
Nagpalit ng pagkatao, iniba lahat sayo.
Umayaw sa namulatan at nagbalat-kayo!
Puso’y nadudurog, sa sakit pinipino.
Kababayan ko’y ‘di na matawag na Pilipino!
Nagpupumiglas tayo noong makalaya,
Ba’t sakop na naman ng banyagang mandaraya?
Aking damdamin ay waring pinipilas.
Nakalulunos lagay ng bansang Pilipinas!
Salitaan pa lamang, akin nang napagnilayan,
Tayong mga Pinoy, talaga nang napag-iwanan!
Mensahe sa inyo’y sa puso’y tagos ‘to!
Magsalita ng Filipino kahit hindi Agosto.
Tunay kang Pilipino, totoo, kung ang tanda,
Pinagmamalaki’t pinayayaman Wikang Pambansa!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Vote, comment & follow.

Mga Tula Ni Mang WengsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon