Uhaw Na Pagmamahal

114 1 0
                                    

Isang napakalamig na gabi
Nang napaupo ka sa isang tabi
Nararamdaman ang pintig ng puso
Mga yakap at lambing na mula sayo.

Ramdam ang init sa lamig ng panahon
Sa paghalik ng masayang kahapon
Iyong mga kamay na siyang aking kalasag
Sa puso kong muntikan ng mabasag.

Tila nagkaroon ng gintong pagkagalak
Ang puso kong marupok at umiiyak
Na siyang nais lamang ay ikaw
Prinsesa na sa aking balintataw.

Salamat sa iyong mga haplos at yakap
Mainit na pagmamahal na aking natanggap
Tuluyang nagningning ang mga tala
Mga ngiti ko na abot sa mga buntala.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now