Dungkaan ng Aking Panaginip

74 1 0
                                    

Bawat pagtaas ng tubig sa karagatan
Pangarap ko'y nais makamtan
Sabayan ng pag-agos ng alon
Sa pag sagwil nais makaahon.

Sumasabay sa pag-sagwan ng lunday
Pilit na umaahon sa palamarang buhay
Pinagmamasdan ang kumikinang na tala
Mga mithiin ko na abot buntala.

Balang araw ang tubig sa dagat
Maglalaho ang taglay nitong alat
Babaguhin ang paghampas ng mga alon
Sabayan ng pagbabago taon-taon.

Dagat ay dungkaan ng aking panaginip
Sapagkat dito ako namulat at nagka-isip
Nais kong marating ang rurok ng pag-asa
At lipulin ang buhay kong, palamara.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now