Silabid at Benggansa

57 2 0
                                    

Halik ng ulan
sa may kanluran
Hampas ng alon sa may silangan
ano nga ba ang dahilan?
Tunay kang langit
na puno ng inggit
Labis ang pagkagalit
sa mundong sobrang lupit.
Puno ng poot ang iyong puso
paghihiganti ang siyang gusto
Sa mundong hindi paraiso
palamarang buhay ang hangad mo.
Apoy na hindi namamatay
pumapaslang ng buhay
Nais mo nang lipulin
paraisong puno ng samut-saring lagim.
Hindi ka makakatas sa kadena
sa mga daplis ng espada
Paghihirap ang mararanasan
sa matindi mong kalaban.
Kulog at kidlat mula sa kalangitan
mga talang animo'y nagkakampihan
Sumasanib puwersa ang kadiliman
liwanag na animo'y lantang halaman.
Sumusuko na ang kalaban
dala ang sandatang makapangyarihan
Sapagkat naglaho nalang bigla
na animo'y isang lumilipad na bula.
Ngayong tumingkad na ang liwanag
bumalik na ang gintong sinag
Nagkaroon na muli ng paraiso
ang pinakamamahal kong mundo.
Muling nagningning ang mga tala
nagkaroon ang dagat ng ganda
Mga luntiang halaman
yumabong at nagdulot ng kaginhawahan.
Naging makulay ang kalangitan
nawala ang higanti ng kasamaan.
Nagpapasalamat sa Poong Maykapal
sa pagdinig ng aming taos-pusong dasal
Sana'y 'di na muling maulit ang naranasan
dumanak na mga dugo sa digmaan.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now