Iniwan Ako

172 4 0
                                    

Sa mga panahong narito ka pa,
Labis ang pasasalamat o sinta.
Pero sa ngayong wala ka na,
Ang buhay ko'y walang saysay na.

Ano ang aking nagawa sayo?
Sapagkat iniwan mo ang aking puso.
Nag-iisa nalang ako dito,
Walang kausap, umiiyak ng todo.

Bakit mo ba ako pinagpalit?
Dahil ba ako sayo'y pangit?
Alam ko namang ginawa ko lahat,
Upang iparamdam sayo ang pagmamahal na dapat.

Walang araw na hindi kita pinapasaya,
Hindi ko sinasayang ang oras na makasama ka.
Pero ito'y naglaho nalang bigla-bigla,
Nang ako'y pinagpalit mo sa iba.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Vote, comment and  follow.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now