5th Poem: Kaibigang Huwaran

692 25 6
                                    

Kaibigang Huwaran

Kaibigang naging parte ng aking buhay,
Sa ginto, siyang kay mahal na tunay.
Sa kagipitan, nariyan siya sa tabi,
Maging sa araw man o gabi.

Napakabusilak ng iyong puso,
Aking katoto, ito'y totoo.
Sapagkat ugali mo'y kaaya-aya,
At kabaitan mong walang kagaya.

Sa aking mundo ika'y kayamanan
Pangako ko sayo walang iwanan
Ika'y bukod-tangi magpakailanman,
Ang siyang magbibigay sa akin ng sobrang kasiyahan.

Poong maykapal, ika'y pinasasalamatan,
Sa pagkaloob sa aking tunay na kaibigan.
Kaibigan na isa na ring magandang huwaran,
Na aking mamahali't aalagaan.

Bago ko tapusin ang tulang ito,
Nais kong maiparating ito sayo.
Na ang tulang ito ay siya na ring regalo ko,
Kaya ito'y pakinggan mo, maligayang kaarawan kaibigan ko.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now