20th Poem: Wala Kang Katulad Panginoon

376 4 0
                                    

(cttro)

Awitin ko man lahat ng awit sa mundo,
Di kayang ilarawan ang kadakilaan Mo.
Kulang ang lahat ng tula, kulang maging mga salita,
Upang ihayag ang kabutihan Mo.

Wala Kang katulad,
Wala nang papantay Sayo,
Wala Kang katulad,
Wala ng hihigit Sayo.

Ikaw ang Diyos noon pa man,
Maging ngayon at kailanman.
Sa habang panahon,
Wala Kang katulad Panginoon.

Habang buhay ka naming sasambahin,
Walang tigil Kang pupurihin,
Sapagkat buhay namin niligtas Mo,
Isa kang tunay at walang katulad na Diyos.

Sa tula ko idadaan ang pasasalamat o aking Panginoon,
Dahil ito'y taos puso kong inaalay sayo.
Minamahal kita o aking Diyos,
Pagmamahal ko sayo'y hinding-hindi matatapos.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Vote, comment & follow.

Mga Tula Ni Mang WengsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon