Dagat na Aking Pangarap

221 0 0
                                    

Bawat paghampas ng alon sa karagatan, ang iyong wangis ang aking nasisilayan
Umuupo sa isang tabi, binibilang ang mga bato—
sa buhangin bumubulong.
Sa pagdampi ng malamig na hangin sa aking balat,
Sabay patak ng bubutil-butil na ulan, ikaw ang nais mayapos—
mahagkan, uhaw na uhaw na sa iyong pag-ibig,
Hinahanap -hanap ang matamis mong lambing.
Tinatanaw ang mala paraisong dagat,
Ninanais na dito ka sa tabi ko—
upang magpunas ng aking tumatagas na luha,
Mahal, pakatandaan mo, hindi man ako tulad ng dagat na mala paraiso,
Isa naman akong langit sa buhay mo—
langit na magpapangiti sayo,
Langit na magbibigay sigla,
At higit sa lahat langit na handang sabihin na huwag kang mawalan ng pag-asa.
Maghihintay ako hanggang sa pagsapit ng gabi,
Na kahit para na akong musmos sa isang tabi,
Na kahit madilim, may liwanag na darating,
May talang nagniningning.
Balang-araw, mithiin ko’y matutupad
Na isang dilag na aking hinahangad
Nawa’y mawatasan ko ang bawat paghampas ng alon,
Sapagkat mga hangarin ko’y makakamit sa takdang panahon.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now