Bitag ng Dilim

8 0 0
                                    


𝓵𝓪𝓫𝓲𝓷𝓰-𝓭𝓪𝓵𝓪𝔀𝓪 𝓷𝓰 𝓱𝓪𝓽𝓲𝓷𝓰𝓰𝓪𝓫𝓲.

Sa gabing mapanglaw hindi maintindihan
May agam-agam na animo'y isang paalala
Mistulang pusang itim sa pusikit na daan
Ito na nga ba ang nakakasindak na hinala?

Madilim, tanging sinag ng buwan ang tanglaw
Sa punong akasya, napahinto, may alingawngaw
Hilakbot ang bumalot sa sarili hindi makagalaw
Biglaang umiyak, mga huning kakaiba, lumitaw!

Luningning ng mga tala't buntala'y mapaparam
Tila wala ng maaninag na liwanag takot ay sumiklab
Pangamba ay tila apoy na dumadaloy sa pugonan
Nakaramdam ng init na parang maglagablab

Hanggang kailan ako, sa dilim nakadena?
Sa itim na gabi ang hatid ay trahedya!

Wari'y magpakailanman ay hindi na makakatakas
Sa bitag ng dilim, tuluyang tinuklaw ng ahas!

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now