Kalye 297: Paglalakbay sa Dilim ng Gabi

18 0 0
                                    

𝓱𝓪𝓽𝓲𝓷𝓰𝓰𝓪𝓫𝓲, 𝓪𝓵𝓪𝓼 𝓭𝓸𝓼𝓮 𝓷𝓰 𝓶𝓪𝓭𝓪𝓵𝓲𝓷𝓰 𝓪𝓻𝓪𝔀.

Tuluyan na bang hahayaang dumaloy sa rumaragasang tubig sa sapa,
Ang paghanga'y dapat na bang maanod at isawalang-bahala?

Paglalakad sa eskinita ay mistulang pusang gala,
Na naghahanap ng makakain upang sumigla.

Hatinggabi na naman, may sumagi sa isipan,
Napagtanto na kung mahahawakan pa ang mga tala,
At masasaksihan pa ang ningning na kanyang dala.

Malamig ang simoy ng hangin dala ng habagat,
Biglang may bumulong, malamig ang boses.
Napalingon sa kaliwa't kanan, walang tao.
Kaba'y sumiklab, bumilis ang pagtibok ng puso.
Binabaybay ang pusikit na daan,
Ang lamparang hawak ang nagbibigay tanglaw
Sa mala nakakasindak na eksena sa lansangang mapanglaw.

Mga Tula Ni Mang WengsWhere stories live. Discover now