Kabanata 12

197 4 0
                                    

Kabanata 12
#art room

Selena

Bumalik sa normal ang lahat makalipas ang ilang araw at abala ako sa paghahanap ng summer job ngayon. Nagpumilit akong maghanap ng trabaho dahil gusto kong makatulong kahit sa pang araw araw man lang na gastusin.

"Selena!" Tawag sa akin ni Kyla, isa sa mga kaklase ko.

Gaya ko ay naghahanap din siya ng part time job. Kasama ko siyang nagpasa ng pertinent papers noong nakaraang araw.

Sigurado akong isa siya sa mga nakatanggap ng text o tawag para sa interview kaya siya naririto ngayon sa city hall.

"Interview mo rin ba ngayon?"masigla niyang tanong sa akin at malungkot naman akong umiling.

"Walang tawag eh. Pumunta lang ako rito para magrequest ng PSA ng marriage certificate ng parents ko."

Nawawala kasi iyong ibang documents ni mama at isa na roon iyong kukunin ko. Hindi ko nga alam kung bakit bigla na lang akong inutusan ni mama na kumuha no'n.

Tumango naman si Kyla. "Nakapagpasa kana ba ng pre registration para sa midyear class natin sa June?"

Actually nakalimutan ko na may midyear class kami ngayong taon. Sinusunod parin kasi ng pinapasukan kong eskwelahan ang old school calendar na ipinanukala.

Ang summer class namin sana ay ngayong Abril pero sa tingin ko ay sisimulan na nilang i-adapt ang August o September na pasukan kaya June ang midyear class namin imbes na Abril.

"Hindi pa eh. Ikaw,ba?"

"Hindi rin. Sabay na lang tayo." Aniya.

Tumango ako bilang sang-ayon. Kyla isn't my friend but she's nice. Wala naman akong tinuturing na kaibigan sa school. Madalas akong mag-isa pero may mga kaklase talaga akong ganito--'yung hindi snob.

Hindi ko na nagawang makipagkwentuhan kay Kyla dahil pila ko na sa counter.

Matapos kong makapag request ng dokyumento ay naisipan ko munang maupo. Medyo mahaba haba iyong pila kanina kaya ramdam ko ang pangangawit ng aking mga binti at paa.

Hinigit ko ang cellphone ko sa aking bulsa dahil sa pagtunog ng ringtone nito.

An unknown number is calling me.

Siguro ay tawag ito mula sa inapplayan kong trabaho. Ilang establishments din ang napuntahan ko at isa nga rito ang city hall pero walang nagpadala ng text o nag abalang tumawag sa akin ni isa,ngayon pa lang.

Sasagutin ko na sana ang tawag ngunit bigla itong namatay. Nadismaya ako at medyo nainis sa aking sarili. Ang bagal ko kasing sumagot. Nawala tuloy.

Mayamaya pa ay nagbeep ang cellphone ko hudyat na may natanggap akong text.

Unknown:
Hey!This is Hideo.

Halos malaglag ko iyong cellphone ko nang mabasa ko ang kauna unahang text ni Hideo.

Ilang araw din akong naghintay ng text niya kahit na hindi ko alam ang dahilan kung bakit ko hinihintay.

Muling nagbeep ang cellphone ko at agad ko namang binuksan ang pinadalang message ni Hideo.

Unknown:
Please save my number,Selena.

Napalunok ako ng laway ko. Pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko sa nababasa ko ngayon.

I can't believe I am reading his message. Alam ko kung gaano siya kaseryoso nang kuhanin niya ang numero ko pero hindi parin talaga ako makapaniwala na seryoso nga siya.

In Too DeepWhere stories live. Discover now