Kabanata 58

111 4 0
                                    

Kabanata 58
#test

Selena

"Selene Asteria Marqueza! May bisita ka!"

"What? Sino?"

"Hindi ko alam! Tingnan mo sa kalsada! Mukhang nahihiyang pumasok dito sa bahay!"

Dali dali akong lumabas ng kusina. Tumutulong ako sa paghahanda ng panghapunan pero binulabog ako ng ate ko.

Kagagaling lang nito sa trabaho at mukhang badtrip siya. Lukot iyong mukha niya eh. Stress na stress iyong hitsura niyang nakaupo rito sa may salas.

"Ate,sino 'yun?" Anas ko,tinawag pa niya akong Selene Asteria Marqueza. At nagustuhan ko iyon pero diko gusto ang aura niya.

"Aba,malay ko! Tingnan mo kaya sa labas. May dala siyang mga rosas at tsokolate."

Kumunot iyong noo. "Si Hideo ba?"

"Hibang ka ba? Wala si Hideo rito!" Pagalit niyang sabi. "At saka, kailan ka pa binigyan ni Hideo ng rosas at tsokolate? Rare flowers ang binibigay niya. Basket of fruits.  At saka property,Selena! Pati apelyido niya ,binigay na sa'yo! He also gave you rare things,Selena. Rare things!Tandaan mo 'yan!"

"Ate,naman eh! Bakit ka ba nagagalit?"

"Sinong hindi magagalit,hah? May asawa ka! Asawa mo si Hideo pero bakit ka nagpapaligaw sa iba?"

"Ate,hindi ako nagpapaligaw. Never akong nagpaligaw sa ibang lalaki!" Pagtatanggol ko sa aking sarili.

Marami ang nagpapahiwatig sa akin sa totoo lang pero never ko silang in-entertain! Kahit si Kenzie! Kasi alam kong may asawa ako!

Alam ko na asawa ko si Hideo Alasdair Marqueza at alam ko sa sarili ko na pangalan niya lang ang pinipintig ng puso ko kahit na...galit siya sa akin.

Nasaktan ako noong nakaraang araw pero shit! Hindi ako dapat sumuko ng basta basta. Para saan pa ang paghihintay ko kung sa isang kisapmata lang,suko na agad ako?

I will pursue him! I don't know how but I don't want to fall in vain! Kung hindi si Hideo ang babawi sa akin pwes ako ang babawi sa kanya!

Hindi ako papayag na mawala siya sa akin ng tuluyan!

Babawiin ko siya!

I-uuwi ko siya sa bahay na ito!

At uuwi ako sa bahay niya!

By hook or by crook!

"Kung gano'n, palayasin mo 'yung lalaking 'yun. Ayaw ko siyang makatapak sa pamamahay na ito." Sambit ni ate sabay lakad papunta kay mama na nasa kusina.

Bumuga ako ng hangin. Pinuntahan ko iyong lalaking tinutukoy ni ate. Si Kenzie iyong nakita ko. May dala nga siyang rosas at tsokolate.

Ang seryoso ni Kenzie ngunit lumiwanag iyong mukha niya nang masaksihan niya ako. Tumigil ako sa tapat niya at nang akma ako nitong hahalikan sa pisngi ay pinigilan ko kaagad.

"Why,Selena?" May halong pagtataka niyang tanong.

"Kenzie,I know that's how you greet but it's not right for me. Ilang beses na kitang sinuway about dyan kaya sana naman ay irespeto mo naman ako."

"I respect you,Selena. I just can't hold myself. You're too beautiful to resist."

Umiling ako. "Kenzie please,stop this already. Matagal ko nang nilinaw sa'yo na kaibigan lang ang tingin ko sa'yo."

Nalungkot si Kenzie sa narinig. Hindi ako nahahabag sa kanya. Mas nanunuot iyong inis ko sa kakulitan niya.

Hindi ito ang unang beses na nagbalak siyang manligaw sa akin pero nilinaw ko na talaga sa kanya ang estado niya sa buhay ko.

In Too DeepWhere stories live. Discover now