Kabanata 32

144 3 0
                                    

Kabanata 32
#pagsamo

Selena

Hinatid ako ni Hideo sa school gamit iyong asul niyang sasakyan. Namiss kong sumakay sa coche niya kaya nagselfie kaming dalawa sa loob na kamuntikan ng mauwi sa ano. Sinuway ko lang siya kasi malelate na ako.

Gusto pa akong ihatid ni Hideo hanggang sa room namin pero syempre hindi ako pumayag. Doon pa nga lang sa drop off area kanina, ang dami nang matang nakatingin sa amin.

How much more kung hanggang sa building at room namin?

"Selena! Ang ganda mo naman!" Bungad ni Kyla sa akin.

Ang lakas talaga ng boses ng babaing ito! Dinig hanggang planet Mars. Ang lakas makaagaw ng atensyon. Napatingin tuloy ulit iyong mga tao sa akin na lumihis ang atensyon pagkaalis ni Hideo.

Binilisan ko ang lakad palapit kay Kyla na ang lawak ng ngiti. Nakabackpack siya at may bitbit na libro kagaya ko. Naka uniform din kami kahit midyear class. Kolehiyalang kolehiyala ang dating namin.

"Ang ingay mo naman. Nakakahiya sa mga tao."sabi ko sabay yakag sa kanya papuntang college of education building.

"Hala! Bakit ka naman mahihiya eh maganda ka naman talaga! Nainlove nga sa'yo si Hideo Marqueza eh!"

"Kyla!" Suway ko sabay takip sa bibig niyang maingay. "Huwag kang maingay. Nakakahiya."

Inalis niya iyong kamay kong nakatakip sa bibig niya. "Nahihiya kang malaman ng mga tao na boyfriend mo si Hideo? Eh diba,sinapubliko mo na siya?" Napapantastikuhan niyang turan.

Bumuga naman ako ng hangin. "Hindi ko naman sinabing boyfriend ko siya sa post at sa stories ko."

"Pero siya lagi ang laman ng post at stories mo tapos ikaw din lagi ang laman ng post at stories niya. So,anong gusto mong isipin ng mga tao? Naglalandian lang kayo gano'n?"

Ngumuso ako. Medyo pinagsisihan kong i-public iyong mukha ni Hideo sa mga post at stories ko. Sana pala ay blurry muna para mamatay sila kakaisip kung sino 'yung boyfriend ko.

"Basta huwag kang maingay! Hayaan mo silang mag isip kung anong meron sa amin ni Hideo." Kako tapos niyakag ko siya ulit.

Dumiretso kami sa classroom namin. Magkatabi kami ni Kyla since hindi naman inaapply ng instructor namin iyong alphabetical order na seating arrangement.

"Ang ganda mo naman Selena. Ang ganda pa ng bag mo." Komento ng mga kaklase ko.

Nahiya ako bigla. Hindi ako sanay na nasa akin ang atensyon mg mga tao. Ngumiti na lang ako at saka nagbrowse sa social media.

Siniko naman ako ni Kyla. "Bigay ni Hideo 'yang bag mo noh?"

Napatingin ako sa mga kaklase namin dahil baka narinig nila iyong sinabi ni Kyla pero parang hindi naman kaya bumaling ako sa mukha ng katabi ko.

"Hindi noh! Binili ko lang ito sa palengke." Pagsisinungaling ko.

"Totoo? Eh bakit mukhang legit itong Louis Vuitton mo?"

Kinagat ko iyong labi ko. Legit talaga itong bag ko kasi bigay ni Hideo. Binigyan niya ako ng Louis Vuitton backpack bago siya umuwi sa bahay nila noong kababalik namin dito sa Villa Estrella galing Ilocos.

Ang expensive ng regalo niya sa akin kahit wala naman okasyon at nagiguilty ako kasi wala man lang akong maibigay bukod sa... pagmamahal ko.

Nagfocus na kami ni Kyla sa harap dahil dumating na iyong instructor namin. Mabilis lang naman natapos iyong klase. Hindi ko narin namalayan na uwian na.

In Too DeepWhere stories live. Discover now