Kabanata 49

97 3 0
                                    

Kabanata 49
#concede


AN: This chapter is dedicated to Elyz, my student slash supportive reader. Labyah!🫣👌

--

Selena

Binabaybay ko ang daanang papasok sa campus. Dala ko iyong instructional materials ko para sa demo teaching. It's one of our requirements to pass sir Junn's subject.

In fact,almost all of our professors and college instructors required us to conduct a demo teaching under their subjects. At isa ito sa dahilan kung bakit napakabusy ko lately.

Sa mga lumipas na araw,medyo nakalimutan ko iyong problema ko ngunit may mga pagkakataon talaga na napapatulala na lang ako sa kawalan. Minsan, bigla biglang sumusulpot iyong guapong mukha ni Hideo sa kung saan saan.

Diko lang mapigilang magtaka.

Iniisip din ba ako ni Hideo?

May mga gabi rin kayang hindi siya makatulog?

Namimiss ba niya ako?

Kasi kung oo ang sagot sa lahat ng katanungan kong ito,bakit niya ako iniiwasan?

Hideo told me that ignore is the best insult you could give to the people who wants to destroy you.I think he's right. And I can't believe I insulted Hideo even if he didn't intend to destroy me.

I insulted the man I love with inappropriate words infront of other people. I even hurt him physically. Maraming beses ko na siyang nasampal at pinagsisihan ko iyong iba.

Now, Hideo's ignoring me. Di naman niya siguro intensyon na insultuhin ako dahil wala naman akong intensyon na sirain siya pero may dalang kalungkutan iyong pag iwas niya sa akin.

Seriously,his cold treatment gives me discomfort. And everytime he turned his back at me, it's like a cue that he's not into me anymore.

I mean parang pinapangatawanan na niya iyong sinabi niya sa akin na hahayaan na niya ako--na hindi na siya babalik sa akin kasi...iyon naman ang gusto ko.

Pero gusto ko ba talaga iyon?

Hindi. Hindi ko iyon gusto! Lolokohin ko lamang ang sarili ko kung ipagpipilitan kong galit parin ako kay Hideo. Tunaw na iyong pader na ginawa ko sa pagitan namin. Tinunaw ito ng pagmamahal ko sa kanya.

Pero paano ko ba sasabihin sa kanya ang totoong nadarama ko kung palagi niya akong iniiwasan?

Nawala iyong pagmumuni muni ko at medyo napaigtad ako sa gulat dahil sa pagbagsak ng isang materyal sa ulo ko.

Napatingin ako sa sahig,isang pamilyar na sketchpad iyong nalaglag. Yumuko ako upang pulutin ito gamit ang isa kong kamay dahil ukupado ng IM iyong isa kong bisig.

Nakabukas iyong sketchpad at tumambad sa akin ang mukha ng isang babae nang baliktarin ko ito upang tingnan.

I gasped when I realized that it was me in mafia outfit but it's unfinished. Parang sinadyang hindi tapusin kasi nakorte kortehan iyong mukha ko at iba pang parte ng papel na parang pinanggigilan iyong drawing.

Nagsalubong ang aking kilay. Hinanap ko ang signature ng may ari ngunit bago ko pa magawang tingnan ang sumunod na pahina,isang kamay ang umagaw sa sketchpad mula sa aking likuran.

Napaikot ako dahil sa pagsunod ng mga mata at katawan ko sa sketchpad. Tumama ang paningin ko sa dibdib ng isang tao dahil matangkad ito. Umatras ako upang bigyan ng distansya ang lalaking nagmamay ari sa sketchpad.

I know him. My senses knew him--his presence,his height and his scent. And of course,his tantalizing blue eyes. Yeah! That's the very first description of his deep blue eyes whenever you see it.

In Too DeepWhere stories live. Discover now