Kabanata 56

123 5 1
                                    

Kabanata 56
#the truth


Hideo

Damn it! Hindi ko matiempuhan si Raphael Del Fierro. Hindi parin nakukuha ni Max iyong passport ng mga aso ko kaya kailangan kong mag extend ng ilang araw. I won't leave Villa Estrella until I unfold the truth.

Pumarada ako sa parking area ng  elementary school dito sa bayan. Pinuntahan ko iyong eskwelahang pinapasukan ni...mama. Siya muna ang kauusapin ko since hindi ko ma-timingan si Raphael. Ang matandang iyon! Pinagtataguan yata ako!

Pinagtitinginan ako ng mga parents na naghihintay sa mga kubo ng schools. Maging iyong mga batang naglalaro ay nakatingin na sa akin. They looked happy tho.

Natigilan ako sa maliit na batang lalaki na tumakbo sa aking direksyon. Nadapa lang naman siya sa aking harapan kasi hinahabol siya ng isa pang bata, kalaro niya.

Dali dali ko siyang itinayo. I leveled my height even if it's hard for me. Pinagpag ko iyong uniform niyang nadumihan at pinunasan iyong mukha niyang nalagyan ng alikabok.

He's looking at me, dumbfounded.Kinder na siguro ang batang ito.And he's cute. Maliit siya ngayon pero feeling ko matangkad siya kapag nagbinata na.

"Hideo?" Boses iyon ni mama.

Lumingon ako sa direksyon niya at nakita ko siyang nanlalaki ang mata habang palipat lipat ang tingin nito sa akin at sa batang hawak ko. Napabitaw ako ng wala sa oras at saka napaayos ng tindig. Humarap ako sa mama ni Selena at nagmano.

"Thank you,Hideo." Sambit ng batang nadapa kanina.

Sumulyap ako sa kanya. He's smiling at me and damn! Namiss ko bigla iyong...anak ko kahit hindi ko pa nakikita at hindi na makikita.

Nginitian ko na lang iyong bata at nang tumakbo na ito palayo sa akin ay muli akong bumaling sa taong sadya ko.

"Anong ginagawa mo rito, hijo?"

"May sasabihin lang po ako."

Pinatuloy ako ng mama ni Selena sa kanyang classroom. Break time yata ng mga bata ngayon at nagkakagulo sa labas pati rito sa loob. Grade 6 ang tinuturuan niya at nararamdaman ko iyong tingin ng mga batang babae na nandito sa loob.

Seriously?

Napansin yata ni mama na hindi ako komportable sa presensya ng mga estudyanteng nandito kasi pinalabas niya ang mga ito. Sinabihan niya na sa kubo na lang muna sila at huwag silang papasok hanggat hindi niya sinasabi.

"Ano na ulit iyong sasabihin mo sa akin,anak?" Pukaw nito sa katahimikan.

Linunok ko iyong laway ko.  Magpapaalam lang ako at hihingi ng tawad pero paano ba ako magsisimula? Ano ang sasabihin ko?

"Hideo.."

"Uh!" Kumamot ako sa  batok ko. "Gusto ko lang po sanang...humingi ng tawad."

Kinunutan niya ako ng noo. "Tawad? Saan? Para kay Selena ba?"

Alanganin akong tumango. Bukod doon ay meron pa akong ibang sadya pero diko...masabi ng maayos.

"Hideo,ilang beses ka nang humingi ng tawad sa akin. At alam mo ang sagot ko. Kahit medyo nagdududa ako sa mga paliwanag mo,hindi parin kita pagbabawalang mahalin ang anak ko."

She's really...considerate.

"Ayaw na po sa akin ni Selena." Halos pabulong kong sabi. Masakit eh.

"Sa isip mo lang iyan,Hideo. Bigyan mo pa siya ng panahon,hijo. Magkakaayos din kayo."

Bibigyan ko talaga siya ng panahon na mag isip pero hindi ako sigurado kung...babalik pa ako. Damn! Iniisip ko pa lang na hindi na ako babalik, nasasaktan na ako.

In Too DeepWhere stories live. Discover now