Kabanata 02

313 11 2
                                    

Kabanata 02
#marqueza

Selena

Saksi ang langit,ang buwan at mga bituin sa unang pagtatagpo.

Hindi ikaw ang hinanap ngunit ikaw ang nasilayan.

Ang sabi mo'y hindi ako sasaktan ngunit nagawa mong ipahabol ako sa naglalakihang mga aso.

Nais kong sabihin sa'yo,napakasama ng ugali mo.

Inis kong nilapag ang notebook at ballpen ko sa side table. Hinding hindi ko malilimutan ang ginawa sa akin ng lalaking iyon kagabi.

Ang sabi niya ay hindi niya ako sasaktan pero nasaktan ako.Umuwi akong amoy lupa at may ilang galos sa katawan.

Pinahabol niya kasi ako sa naglalakihang aso pagkatapos kong hindi sabihin ang buong pangalan ko. Take note,tatlong aso ang humabol sa akin.Napakasama ng ugali ng lalaking iyon. Isa siyang demonyo!

"Selena! Lumabas ka na at kanina pa nag-aantay ang jeep." Sabi ni ate Sheng. Kanina pa ako tinatawag niyan.

"Opo. Lalabas na."

Hinaklit ko ang sling bag na naglalaman ng cellphone,panyo, alcohol at wallet. Ito ang mga bagay na hindi maaaring mawala kapag may pinupuntahan ako.

Sinuri ko pa ang aking kabuuan sa built-in mirror ng cabinet ko. Hindi naman halata ang maliliit kong sugat kaya lumabas na ako.

Sa market ang destinasyon namin ni ate Sheng. Bibili kami ng school supplies. Ang layo pa naman ng pasukan pero ayaw ko ang makipagsiksikan sa susunod na buwan kaya sinunod namin agad ang utos ni mama.

"Ma,sasama ka rin?" Takang tanong ko kay mama pagkasampa niya sa jeep,umupo siya sa aking tabi.

Ang dami niyang bitbit. Nasa early 40's na ang nanay ko pero hindi parin nagbabago ang angkin niyang ganda.

She looks like a college student whenever I see her wearing a backpack with books in her arms and a laptop case on her shoulder.

"Hindi. Papasok ako sa school."

"Bakasyon ngayon ma."

"Ano ka ba,walang bakasyon ang mga guro. Kaya kung ako sa'yo, mag-isip isip ka na habang maaga pa." Singit ni ate Sheng.

Tumawa si mama. Inirapan ko naman si ate Sheng. Panira siya ng pangarap. Ang sama ng ugali pero may punto rin naman siya.

Kahit bakasyon ay pumapasok parin ang mga guro hindi para magturo kundi para asikusahin ang eskwelahan at iba pang bagay na may kinalaman sa pag-aaral.

Napapaisip narin ako sa totoo lang.Pangarap ko talaga ang maging guro pero hindi ko alam kung tama bang iyon ang pinili ko.

Minsan kasi,may mga pinapangarap tayo na hindi para sa atin,na hindi pala para sa atin.

Kumaway ako kay mama pagkababa niya sa school Zone. Elementarya ang kanyang tinuturuan pero kapag kinakapos ng guro ay nagtuturo rin siya sa high school. Minsan ay nagpapart time pa siya sa kolehiyo kaya bilib na bilib ako sa kanya.

I wanna be like her. Palagi siyang busy,pagod at puyat pero never ko siyang nakitaan ng pagsuko. Her smiles reflect commitment and dedication. Mahal niya ang trabaho at masaya siya sa pagtuturo kahit napakatigas ng mga kabataan ngayon.

"Dito na tayo bumaba. Mapapalayo tayo sa mga tindahan kapag sa mismong paradahan ng jeep tayo bababa. " Sabi ni ate Sheng.

"Sige."

In Too DeepWhere stories live. Discover now