Kabanata 19

172 4 0
                                    

Kabanata 19
#adrianna

Hideo

Hinayaan ko ang paglagaslas ng tubig mula sa shower pababa sa buo kong katawan.

Nakasandig ang braso ko sa pader ng banyo habang iyong mga mata ko ay nakatutok sa paanan ko.

Mainit ang aking pakiramdam. Nag uumapaw ang emosyon sa buo kong pagkatao.

Ganito pala ang pakiramdam ng taong sabik sa taong hinahangaan niya.

Mulat na ako sa katotohanan, sa realidad--sa makamundong pagnanasa. Binuksan ni Selena ang isa sa mga pintong mas pinili kong nakakandado ng ilang taon.

I preserved my youth for almost twenty two years and words can't be able describe what I feel when I lost that "Innocent Hideo Marqueza" with Selena.

Hindi niya kasalanan kung bakit ako sabik sa katawan niya.

Gusto ko lang maramdaman na tao pa ako. Gusto kong maramdaman na kahit paano ay may taong masaya kapag kasama ako.

Pumikit ako at ninamnam ang tubig na dumadaosdos sa katawan kong makasalanan.

Hindi ko sinasadyang ipakita kay Selena ang nararamdaman ko sa gano'ng paraan. Sana ay huwag niyang isipin na iyon lamang ang habol ko.

Alam ng Dyos at ni satanas kung ano ang kaya kong isakripisyo para lamang mapatunayan ko na totoo ako kay Selena.

"Yeah!" Bulalas ni Helios mula sa salas.

May hawak siyang baso na naglalaman ng iced coffee. He was resonant while watching sports.

Ngayon ko lang siya nakitang nanuod sa telebisyon. Mas madalas niyang panuorin iyong mga trabahador niya sa labas.

Lalagpasan ko sana siya kaso ay tinawag niya ang pangalan ko kaya tumigil ako sa mismong harapan niya.

He took a small white envelope from the center table and presented it like he's telling me I have to get it. But I only focused my attention to the envelope, didn't take the time to touch it.

"What's that?"

"You're invited." He motioned his head, asking me to take the envelope.

I sighed and extended my right arm to reach it.

"Open it." He commanded.

Napilitan akong buksan at tingnan ang laman ng envelope. It's an invitation from the mayor of Ciudad de Catalina. He invited us to take part in their festival.

Sinoli ka sa loob ng envelope iyong invitation pagkatapos kong basahin ang mga nakasaad doon.

Nilapag ko ito sa lamesa saka binalingan ang kapatid kong napakaseryoso ang pagmumukha habang pinagmamasdan ang bawat kilos ko.

"I am not going."

"Give me ten thousand reasons why you're not going?"

Umikot iyong mata ko. Abuelo used to bring us to various events that is because it's a requirement of being a Marqueza--to be an heir.

Abuleo wants us to socialize and interact with people for influence and connections. Hindi ako sanay sa public pero sumasama ako kahit labag sa kalooban ko.Marami naman akong natutunan kahit hindi ako gano'n kainteresado.

Ngayong wala na si abuelo at abuela, wala ng magmamando sa akin kung ano ang dapat at hindi dapat gawin.

"I shall go. I don't have time to talk things like this."

Nilagpasan ko siya ngunit bago pa man ako makalabas ay narinig ko siyang nagsalita.

"We have a lunch meeting with the elites and politicians."

In Too DeepWhere stories live. Discover now