Kabanata 27

163 5 0
                                    

Kabanata 27
#kasal

Selena

Dali dali kong sinaoli iyong sketchpad sa bookshelf.Apektado ako sa mga natutuklasan ko.Pero hangga't hindi malinaw sa akin ang lahat, hahayaan ko muna. Lalabas din ang katotohanan.

Inagaw ng tugtog ng gitara ang aking atensyon.

Lumabas ako ng silid ni Hideo at sakto namang dumaan ang lalaking iyon pero hindi niya ako napansin dahil nasa labas iyong atensyon niya--sa tugtog ng gitara.

He stayed in the balcony and I can see his broad shoulders from where I am standing.

Ang guapo ni Marqueza kahit nakatalikod.

Parang hindi man lang siya dumaan sa Evolution of Man na sinasabi ni Charles Darwin.

Pinanganak siyang guapo at mas lalong gumagaupo habang lumilipas ang panahon.

Nakakainis!

Lumakad ako palabas. Sumilip lang naman ako mula sa may pinto at nakita ko iyong tropa ni Hideo.

Anong trip ng mga gagong ito at hinaharana nila si Hideo?

Uso pa ba ang harana
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba 'tong mukhang gago
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba

Kumanta in chorus sina Terenz, Desland, Nick at Ezechiel.Tinuro pa nila si Ezechiel na siyang tumutugtog ng gitara--na nakangiti na ngayon kahit na siya 'yung sinabihan na "gago" at sintunado.

Pero shit! Ang ganda ng boses ni Ezechiel.

Mayron pang dalang mga rosas
Suot nama'y maong na kupas

Binalingan nila si Nick na may dalang rosas at talagang maong na kupas iyong suot niya. Tiningnan naman ni Nick ang sarili mula ulo hanggang paa saka ito umiling at nagkabikit balikat. Then nakisabay na sa kanta.

At nariyan pa ang barkada
Naka-porma naka-barong
Sa awiting daig pa ang minus one at sing-along

Nakaporma talaga sina Desland at Ezechiel--iyong pang teenager na pormahan,'yung may panyo sa likuran. Tapos nakabarong si Terenz.

Natawa ako kasi ang cute nila.

Puno ang langit ng bituin

"Ay! Putang ina! Umaga na pala at wala ng bituin." Halakhak ni Terenz.

Nagtawanan na lang din sila at inulit iyong linya ng kanta.Si Ezechiel iyong maganda ang boses pero ang lakas ng boses ni Terenz. Parang sirang kawayan.

Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw

Kumakanta sila with matching choreography at diko mapigilang matawa kasi...mukha silang tanga.

At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang boteng Alfonso
Para sa'yo

Alfonso?

"Shot na tayo Marqueza!" Halakhak ni Terenz sabay wagayway sa dala niyang alak.

Ayun! Nag aayang mag inom ang mga walanghiya! Ang aga aga pa hah para sa alak!

"Mga walanghiya! Magsilayas kayo sa lupain ko!" Sigaw ni Hideo.

"Tang ina mo Marqueza! Dinalhan ka namin ng bulaklak tapos palalayasin mo lang kami?"si Nick."Hindi mo ba alam na pinagsikapan namin itong nakawin sa sementeryo?"

In Too DeepWhere stories live. Discover now