Kabanata 13

178 8 0
                                    

Kabanata 13
#balcony

Selena

"Kamusta naman ang future teacher namin as tutor?" Tanong ni ate sheng habang pinapainit niya iyong mga dala kong pagkain ,day-off niya ngayon kaya kasama ko siya.

"Okay naman ate. Hindi naman mahirap turuan iyong tutee ko."

Mag dadalawang linggo na akong nagtatrabaho bilang tutor ni Hanabi. Madali lang naman siyang turuan. At her young age, she was able to grasp the lessons I have prepared. She's a fast learner. Parang hindi na nga niya kailangan ng tutor.

Medyo hindi ko nagustuhan iyong naisip ko.

"Kamusta naman ang pasahod nila?"

"Ayos naman ate. Reasonable naman iyong sweldo."

Noong nakaraang araw ay nakuha ko na iyong first salary ko as tutor.Every week kasi ang sahuran dahil iyon ang nakasaad sa pinirmahan kong kontrata na ginawa ni Hideo. Mas okay narin naman iyon para may magamit kami agad.

Pero reasonable nga kaya iyong sahod ko kay Marqueza? Ang laki kasi ng binigay niya sa akin. Five days a week ko lang naman tuturuan si Hanabi at 2 hours lang ang maximum every session. Libre pa lahat.

Ayaw ko sanang tanggapin iyong limang libo pero kailangan ko rin kasing mag ipon kaya kinuha ko na lang kahit nakakahiya sa part ko. Pagbubutihin ko na lang ang trabaho ko para makabawi naman ako.

"Alam mo,feeling ko ang cute ng tutee mo."

"Cute talaga si Hanabi." Tugon ko sabay lingon kay ate dahil sa aking sinabi. Baka kasi...kilala niya iyong kapatid ni Hideo.

"Pakitanong nga sa parents niya kung gusto nila ng nanny. Parang gusto kong mag alaga ng bata eh."

"Edi mag anak kana lang para may alagaan ka." Biro ko naman.

Nakita kong napangiwi si ate bilang pagtutol sa aking sinabi. "Paano ako magkakaanak eh wala nga akong syota."

"Pero marami ka naman manliligaw."

"Hindi ko sila gusto,Selena." Humarap si ate Sheng sa akin."Ang dami nitong pagkain Selena. Ang bait naman yata ng employer mo at binigyan ka pa ng letchon." Bulalas niya at nilalantakan na niya iyong cake na nasa styro pa lang."Ang sarap nitong carrot cake. Pahingi pako." Aniya pero siya narin mismo ang kumuha.

Itong mga pagkain na inuwi ko ay bigay nina Helios. Ang dami kasing pagkain doon at masasayang lang kung hindi maubos kaya halos araw araw akong may take out.

"Selena, anong balak mo sa pista? Sasali ka ba sa beauty pageant?"

Kasalukuyan akong umiinom ng coke at nasamid ako sa tanong ni ate.

"Nakita mo na ba akong sumali sa pageant?"

"Hind pa. Malay mo ko ba kung gusto mong sumali ngayon. Malaki laki rin ang premyo roon."

"Pinagkakitaan mo pa ang pageant."

"Oh bakit? Anong masama roon? Pinagkakitaan naman talaga nila ang pageant."

"Ikaw na lang kaya ang sumali ate. Pang miss universe din naman iyang tindig mo." Komento ko at ako naman ang kumain ng carrot cake.

"Gusto kong sumali pero mas naniniwala ako sa'yo." Aniya sabay tawa.

Umiling na lang ako.

"Malapit na ang birthday ni mama, may plano ka na ba?" Tanong ko naman.

Medyo nalungkot ang ate ko sa narinig. "Balak ko sana siyang ipasyal sa Baguio o kaya sa Ilocos. Ang kaso...hindi pa sapat iyong ipon ko. Malaki laki rin kasi ang magagastos nating tatlo kaya kailangan ko pang kumayod."

In Too DeepWhere stories live. Discover now