Kabanata 17

189 4 0
                                    

Kabanata 17
#first

Selena

Inimbitihan kong kumain si Hideo dahil iyon ang ipinag-utos ng mama ko.It's just a simple dinner but this will be memorable,for sure.

Inasikaso ko si Hideo kahit na nakakatanggap ako ngayon ng makahulugang tingin mula sa aking ina at kapatid.

"Thank you." Sambit ni Hideo matapos kong lagyan ng kain at ulam iyong plato niya.

"Wait,hindi pa ako tapos." Sabi ko.

Specialty ni mama ang adobo kaya iyon ang unang ulam na nilagay ko sa plato niya. Nilagyan ko rin iyon ng ginisang sitaw at kalabasa.Nilagyan ko pa iyon ng pritong manok saka ipinagsalin siya ng sinigang na baboy sa maliit na mangkok.

"Selena,ang dami nito." Bulong niya sa akin.

"Masarap 'yan." Bulong ko rin.

Kinakabahan kasi ako kaya naparami ang lagay ko ng pagkain sa plato niya.

"Baka hindi ko maubos."

"I-take out mo na lang mamaya."

Tumawa siya pero mahina lang."Ang cute mo Selena."

Napatingin ako kay mama dahil inagaw nito ang atensyon namin ni Hideo. Si ate naman ay nakita kong nangngingiti habang kumakain.

"Hideo, huwag mo sanang masamain pero nais kong magtanong tungkol sa'yo." Panimula ni mama.

Hindi na bago sa akin ito dahil palaging dumadaan sa Q and A portion iyong mga manliligaw ni ate Sheena.

"Ayos lang po." Kalmadong sagot ni Hideo tapos ay tumingin siya sa akin.

Nginitian ko naman siya para hindi siya kabahan pero parang wala naman sa vocabulary niya ang kabahan.

"Ano ang buong pangalan mo Hideo?"

"Hideo Alasdair Marqueza po."

"Ilang taon kana?"

Seriously? Ang basic ng questions ni mama kay Hideo kumpara sa mga suitors ni ate.

Hays! Dapat ay humingi na lang ng resume si mama para hindi na siya nagtatanong ng ganito kay Hideo eh.

"Magbebente-dos na po."

Pero infairness, may pakinabang din iyong tanong ni mama kasi ngayon ko lang nalaman iyong edad niya.

"Nag-aaral ka pa ba?"

Tiningnan ako ni Hideo. Nag-aabang ako ng isasagot niya gaya nina mama at ate.

Nagawa na namin magpalitan ng laway pero ngayon ko lang narealized na wala pa pala akong kaalam alam tungkol kay Hideo bukod sa katotohanang isa siyang Marqueza.

"Balak ko pong ituloy ang pag-aaral ngayong pasukan."

"Anong kurso mo?" Si ate Sheng.

Ate Sheena will be turning twenty-three this year. Magfofourth year na siya sa college habang ako ay magthird-year palang.

"It's either agriculture or architecture."

Tumango sina mama at ate Sheng. Ako naman ay nakatingin kay Hideo dahil namamangha ako sa kanya.

Marami pang tinanong si mama tungkol kay Hideo.Nasagot naman lahat ni Hideo ang mga katanungan ni mama kahit iyong iba ay medyo personal na.

"Pasensya kana kay mama." Sabi ko habang naglalakad kaming dalawa patungo sa kanyang sasakyan.

Alam kong kilala ni mama ang mga Marqueza pero syempre, natanong lang niya ang lahat ng iyon para mas makilatis si Hideo Marqueza.

"Ayos lang,Selena. I just hope your mom will consider me in this application."

In Too DeepWhere stories live. Discover now