Kabanata 45

102 3 0
                                    

Kabanata 45
#disconnected

Selena

Three days.

I spent three days in the hospital. During those times, I was crying. Hurting. Mourning. And silently praying about it's ending.

Lumipas pa ang mga araw at gano'n parin. Lutang sa umaga. Tulala ako sa tanghali. Balisa sa hapon. Umiiyak sa gabi.Nagdadalamhati araw araw. Naghihinagpis gabi gabi.

Hanggang kailan ako magiging ganito?

Hanggang kailan ako magluluksa sa pagkawala ng anak ko?

Hanggang kailan ako mangungulila sa asawa ko? Pero bakit ba ako nangungulila sa kanya? I don't want to see him. I don't even want to hear his name. But I do miss him. Ang gulo ko.

Seriously,what did I do to be in this grief? To be in this pain? In this sorrow? To be confused?

Nagmahal lang naman ako. Pinaubaya ko lang naman ang sarili ko sa isang Marqueza. Mali ba iyon? Mali bang umibig? Mali ba iyong taong pinag alayan ko ng panahon at pag ibig?

Dapat na ba akong sumuko?

Dapat ko na bang kalimutan si Marqueza?

Sinabi ko na sa kanya na tapos na kami pero kaya ko ba?

Kaya ko bang wakasan ang relasyon namin?

Magagawa ko ba iyon kung kasal kami? Magagawa ko ba siyang itulak palayo kung nakatali ako sa kanya?

I laughed sarcastically. I am such a fool! A stupid! Pathetic! Idiot! If only I didn't marry him, I could set myself free without any hesitation!

Ang tanga ko sa part na pinakasalan ko siya agad!

Ang bobo ko kasi nagtiwala ako ulit!

Ang sabi ko, handa na akong ibigay ng buo iyong tiwala ko sa kanya para sa magiging anak namin.

Anong ginawa niya?

He betrayed me! Palagi ko siyang kasama. Palagi kaming naglalandian. Palagi niyang pinaparamdam sa akin na ako lang ang babae sa buhay niya pero bakit gano'n? Nagawa parin niya akong lokohin?

At Sheena's right when she said that he's a deceiver!

Pinahid ko ang luha kong pasaway. Pagod na pagod na akong umiyak. Naaawa na ako sa sarili ko. Maging iyong ate ko, nadadamay sa kadramahan ko.At ayoko no'n. Ako lang dapat ang nasasaktan. Ako lang dapat ang nahihirapan.

Dama ko 'yung pag aalala ng mama ko. Pinagluluksa rin niya ang pagkawala ng unang apo niya sana. Ang kaso ay, mas nangingibabaw iyong pagtatampo ko sa kanya.

Sa kabila ng lahat ng pasakit na binigay ni Hideo sa akin, tanggap parin niya ang hayop na 'yun! Nagagawa niyang patuluyin ang lalaking iyon dito sa bahay!

Para ano hah? Para magkaayos kami? Hindi na! Sa tingin ko ay hindi na maayos ang relasyon namin.

Kahit may bahagi sa akin na ayaw pakawalan si Marqueza, kahit sinisigaw ng puso ko na bigyan siya ng isa pang pagkakataon,wala na! Iyong utak ko ang masusunod,hindi ang puso kong marupok!

And I think that's the right thing to do. Mas nakabubuti kong maghiwalay na kami. Alam kong hindi ko iyon kakayanin pero putang ina! Dapat kong kayanin! Nakaya ko naman ang mabuhay ng halos 21 years na wala siya eh!

So, what's the difference?

"Selena! Tara na! Malelate na tayo!" Tawag ni ate sa akin mula sa salas.

"Wait lang!"

In Too DeepWhere stories live. Discover now