Kabanata 55

104 3 2
                                    

Kabanata 55
#last

Hideo

What will you say if you have given a short period of time to talk to someone who's important to you?

What will you do to make the brief moment memorable? Unforgettable?

Kung ako ang bibigyan ng isa pang pagkakataon---maikli man o mahaba, gagamitin ko ito sa paghingi ng tawad--sa nanay ko,sa fiancee ni Helios,kina abuelo at abuela at sa tatay ni Selena.

I am not the culprit behind their deaths but somehow, I'm one of the reasons why they fell under the hands of a demon. And I want to ask for their forgiveness. They don't deserve to die like that!

"Mauna na ako." Turan ko kay Del Fierro na nakikipaglandian sa babaing nakasabay namin sa hallway.

"Marqueza,wait lang!" Sigaw niya at nakisabay na sa akin. "Bakit ba ang killjoy mong hayop ka?"

"Hindi ako killjoy.I just can't stand how you flirt. It's disgusting."

"Anong disgusting?" Humalakhak siya. "Parang hindi ka naman nakipaglandian."

"Iisang babae lang ang nilandi ko at siya parin ang lalandiin ko,Del Fierro. That's our difference." Seryoso kong saad.

Tumawa siyang muli. "Ang defensive mo naman. Hindi ko naman sinabi na nakipaglandian ka sa iba't ibang babae ah!"

Umakbay siya sa akin at tiyak kong makakaladkad na naman ako rito. Ang hirap sumabay maglakad kapag maliit ang kasama.

"Pero kung hindi mo nakilala si Selena, makikipaglandian ka ba sa iba?"

Hindi ako sumagot kasi ayaw tanggapin ng utak ko iyong senaryo na may iba akong nilalandi. Kay Selena lang ako kahit ayaw niya sa akin.

"Huy! Sumagot ka naman!" Anas niya at inalis ko naman iyong braso niyang nakapulupot sa leeg ko.

"Hindi ko kailangang sagutin 'yun."

"Hay! Seryoso kasi! If you didn't meet Selena,is there a chance na magustuhan mo si...Anna? Or...any other girls aside sa kanya?"

"No."

Binilisan ko ang maglakad dahil nababagalan ako kay Del Fierro. Narinig ko siyang sumigaw. Dumiretso ako hanggang sa makatapak na ako sa mga palapag ng hagdan sa building namin.

Uunahan ko sana iyong mga dalawang kalalakihan na nasa harapan ko pero hindi ko na nagawa dahil sa pinag uusapan nila.

"Tol,kilala mo si Selena diba? 'Yung educ?"

"Hah! Oo naman! Sinong lalaki ang hindi makakakilala do'n? Siya kaya ang pinakamagandang babaing nasilayan ng aking mga mata."

Hmm,maganda talaga si Selena. Maganda 'yung asawa ko. Pero hindi ko kailangan ng papuri nila dahil kaya kong sabihin iyon sa kanya!

Pasimple pa akong nakinig kahit nagsisimula nang kumulo iyong dugo ko.Binabagalan ko pa iyong mga hakbang ko para di nila ako mapansin.

May mga umaakyat at bumabang students pero wala naman silang pakialam sa dalawa,sa akin lang sila napapatigil pero wala rin akong pakialam. Nakafocus ako sa mga hayop na prenteng nag uusap!

"Sayang nga eh!"

Nakayukom ko ang palad ko. Anong sayang ang pinagsasabi ng bugok?

"Ang sabi ni Sandoval nalawayan na niya si Selena."

"Gago ka! Wag kang magsalita ng ganyan at baka may makarinig sa'yo."

"Totoo naman ah! Pinagkakalat nga ni Sandoval na inayawan ni Selena si... Marqueza para sa kanya. At hayun! Nakuha na niya ang hiyas. Naunahan niya si Marqueza."

In Too DeepWhere stories live. Discover now