Kabanata 01

418 12 0
                                    

Kabanata 01
#alitaptap

Selena

"Selena,may gagawin ka pa ba?" Dinig kong tanong sa akin ni mama mula sa sala.

Abala si mama sa mga paper works kahit bakasyon na. Sa sala siya ngayon pumirmi dahil maluwang ang espasyo roon, hindi pa niya natatambakan ng mga gamit pero iyong maliit niyang study room ay nagmistulang bodega sa dami ng papel na inuwi niya galing eskwela.

"Wala na po ma." Sagot ko naman.

Katatapos ko lang maghugas ng pinagkainan namin ngayong gabi at wala na nga akong gagawin na related sa acads dahil bakasyon ngayon.

Si ate naman ay lumabas, kausap niya sa cellphone iyong masugid niyang manliligaw.

"Halika ka muna rito at tulungan mo ako."

"Sige po."

Pinunasan ko ang aking mga kamay gamit ang malinis na tela. Inayos ko pa ang aking buhok bago ako pumunta sa kinaroonan ni mama. Tumambad sa akin ang magulong tanawin na parang naperwisyo ng malakas na bagyo.

Iginila ko ang paningin. May ilang tore ng test papers ang nakalapag sa sahig na yari sa kahoy. May mga papel na nagkalat sa kung saang parte ng mga upuan. Ang ibang gamit niya naman ay nakatiwangwang lang.

Nakikita ko na ang future ko.

"Buksan mo nga muna ang telebisyon Selena at manunuod ako ng balita." Utos ni mama na agad kong sinunod kahit na alam kong hindi talaga siya manunuod. Gagawin niyang radyo ang t.v.

"Bakit hindi mo na lang itapon ang mga iyan ma?" Tanong ko sa kanya sabay upo sa sahig.Sinimulan kong mamulot ng kalat.

"Hindi ko pwedeng itapon ang mga ito."

"Bakit naman po?"

"Malalaman mo rin ang sagot kapag naging guro ka na."

Ngumuso ako.

Bata pa lamang ay pangarap ko nang maging guro katulad ni mama pero sa nakikita kong hirap sa ginagawa niya araw araw,gabi gabi ay hindi ko mapigilan ang mapaisip.

Kung hindi para sa akin ang chalk at pisara,sana ay malaman ko iyon ng mas maaga.Ayokong magsisi sa huli. I don't want to take the noblest profession for granted. Kapag pumasok ako sa mundo ng mga guro,gusto ko ay handa at sigurado ang buo kong pagkatao.

"Ayusin mo ang mga papel. Pagsamasahin mo ang lahat ng output ng bawat estudyante per section tapos lagyan mo ng paper clip para hindi maghiwahiwalay."

Inabot sa akin ni mama iyong box ng paper clip. Kumpleto siya ng school supplies. May printer din siya at laptop. Minsan ay sa kanya ako humihiram ng mga gamit kapag kailangan ko.

Tiningnan ako ni mama. "Saan pala ang ate mo?"

"Nasa labas po. Kausap iyong suitor niya."

"Sinong manliligaw ang kausap niya?"

"Hindi ko po alam, ma."

"Hay! Sinong manliligaw kaya iyon. Hindi pwedeng sa cellphone sila nag uusap.Baka mamaya niloloko lang siya ng lalaking iyon." Aniya at pinagpatuloy ang ginagawa.

Mabuti pa si ate Sheng pumapag-ibig kahit stressed sa accounting. Ang dami niyang manliligaw. Iyong iba ay dumadalaw dito sa bahay,dito sa bukid. Iyon naman ang gusto ni mama dahil mas pabor siya sa traditional way of courting.

"Sabihin mo sa ate mo, papuntahin niyo rito sa bahay iyong manliligaw niya. Hindi pwedeng nag uusap sila ng palihim. Baka nagkikita pa sila ng palihim ah! Paano natin maproprotektahan ang ate mo kung hindi natin kilala iyong mga lalaking pumapasok sa buhay niya?"

In Too DeepDonde viven las historias. Descúbrelo ahora