Kabanata 08

188 7 0
                                    

Kabanata 08
#confront

Hideo

Sa pagkakatanda ko ay naikandado ko ang pinto ng aking silid bago ako nahiga pero nandito ang tropa ko sa loob at hindi ko alam kung paano sila nakapasok. Binulabog nila ang pagtulog ko. At ngayon ay pikit mata akong nakikipaghilahan ng kumot kay Ross habang dumadagundong ang mga kaldero na tinatambol ni Ramos.

Kaya kong tiisin ang sakit ng ulo ko pero hindi ko kayang tiisin ang katarantaduhan ng dalawang 'to. Sa inis ko ay binitiwan ko ang kumot kaya nabaliktad si Ross sa kama at napahalakhak.Binagsak ko naman ang aking katawan at mabilis na tinakpan ng unan ang aking mukha hanggang sa aking tenga.

"Nagluto sina Del Fierro at Imperial ng pagkain kaya bumangon ka na riyan at kakain na tayo." Sabi ni Ross sabay hila sa unan ko pero hindi ko hinayaang makuha niya.

"Wag niyo na akong hintayin. Inaantok pa ako."napangiwi ako pagkatapos kong magsalita.

"Gutom na kami pre pero hindi kami makakain kapag wala ka." Sabat naman ni Ramos matapos siyang mag-ala drummer boy.

"Nasa akin ba ang pagkain?"

"Bumangon ka na lang dyan at kakain na."

Pwersahang hinila ni Ross ang unan ko kaya nakuha niya ito mula sa akin. Mabilis naman akong humigit ng ibang unan at tinakip ito sa mukha ko. I feel exhausted and I really wanna sleep 'til dawn. Wala naman akong gagawin dito sa hacienda kasi si Helios naman ang namamahala.

"Ano ba ang pinagkaabalahan mo kagabi at bakit parang puyat na puyat ka?" Makahulugang tanong sa akin ni Ramos.

"Just go and eat. Hindi pa ako gutom."

"Pre..."

"Ramos! Maghain ka ng pagkain dito!" Sigaw ni Del Fierro.

"Bakit ako?" Reklamo ng kumag. "Ikaw na lang ang maghain pre. Kauusapin ko pa itong si Marqueza."

"Sino ba sa atin si Ramos?" Angal naman ni Ross.

Pasimple kong sinilip ang nakasimangot na mokong. Natatawa ako sa hitsura niya pero pinigilan ko ang pagkawala ng tawa sa aking bibig.Muli siyang sinigawan ni Del Fierro kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod.

I was saved by the bell. Ang laking tulong.

Inalis ko ang unan sa aking mukha nang masiguro kong wala ng bakas si Ramos. Wala na ang gunggong kaya makatutulog na ako ng matiwasay. Pinikit ko ang aking mga mata pero napadilat ako at napabalikwas ng bangon nang may tumapik sa aking binti.

Tinawanan ako ni Ross. Hinablot ko ang unan sa aking gilid at hahatawin sana siya gamit ito pero pareho kaming natigilan sa salitang lumabas sa kanyang bibig.

"Duguan ka,Marqueza." Aniya.

Wala sa loob na tiningnan ko ang aking damit. Duguan nga ito pero natuyo na. Kinapa kapa ko ang aking sarili. Buo pa naman ako pero bakit ako duguan?

Taka kong tiningnan ang nakakunot noo kong kaibigan."What happen to me?"

"That's a good question." Sang-ayon nito tapos tiningnan niya ako ng mabuti. "What happen to you Marqueza? What happen to your damn lips?"

"My lips..."

Dumako ang aking kamay sa pang-ibaba kong labi. Napangiwi ako agad sa kirot at sakit. Kaya pala nahihirapan akong magsalita dahil may sugat ang labi ko. Saan ko naman ito nakuha? Ano bang ginawa ko kagabi? Bakit wala akong..matandaan?

"Paano nagkasugat ang labi mo Marqueza?"

"I don't know. I woke up like this."

"You woke up like that? Seryoso ka ba Hideo Alasdair Marqueza?"

In Too DeepDonde viven las historias. Descúbrelo ahora