Kabanata 22

130 3 0
                                    

Kabanata 22
#promise

Selena

Nagpunta kami ni Hideo sa hacienda nila upang bisitahin iyong aso niyang si Delta.

Grabe 'yung pag-aalala ni Hideo sa aso niya. Hindi niya naitago ang lungkot sa nadatnan niya lalo na nang dalhin niya ito sa vet clinic sa bayan.

Ayon sa veterinarian, may nakain si Delta na siyang dahilan kung bakit tumamlay ito at ayaw ng kumain.

"I think Deltla was poisoned." Si Hideo, he was driving now. Pabalik na kami ng hacienda nila.

Iniwan niya si Delta sa vet clinic para mamonitor ang health status nito.

Iyon din ang unang pumasok sa isipan ko nang ilabas ng vet iyong analysis niya kay Delta.

"Do you think it was intended,Selena?"he looked at me.

"Hindi ko alam. Ikaw,anong analysis mo?"

"For me it's not an accident. But who will poisoned Delta? And what's their intention?"may halong galit na turan ni Hideo."Bakit 'yung aso ko pa ang lalasunin kung may galit siya sa Marqueza? Bakit hindi ako? O si Helios? Si..Hanabi."

Oo nga noh! Pero ang tanong,bakit nga ba aso ni Hideo?

"Siguro para bigyan ka ng warning?"

"Ako? Bibigyan ng warning? Para saan?"nalilito niya turan. "Hacienda Marqueza is secured. Kung taga labas ang gagawa no'n, sigurado ako na hindi siya makakalabas ng buhay sa Hacienda."

"Kung secured ang hacienda niyo,isa lang ang ibig sabihin no'n,Hideo."

Sumulyap siya sa akin na para bang binabasa niya iyong mata ko pero umiwas din siya at saka bumuntong hininga.

Isa si Delta sa mga humabol sa akin no'n. But I feel bad for him. Hindi niya deserve ang malason. No dogs or animals deserve to be poisoned kahit gaano sila kabangis.

Binaba ako ni Hideo sa tapat ng bahay namin. Nagprisinta ako na samahan siya sa Hacienda pero ang sabi niya ay magpahinga na lang daw ako dahil may lakad kami mamaya.

"See you later." He said and give me a kiss.

"See you later."

--

Kasalukuyan akong pumipili sa mga dress na nakalapag sa kama ko nang kumatok si ate Sheena sa kwarto ko.

Nag undertime si ate para sa akin--para maayusan niya ako para sa dadaluhan kong event mamaya.

"May pinadala si Hideo sa'yo." Dinig kong sabi ni ate pero diko pinansin.

Busy ako sa pag eannie meenie ng dress.I really can't decide what to wear. Kaya bahala na kung alin ang maituro ko.

Narinig ko ang yabag niyang papalapit at nang tumigil ito ay nilapag niya ang malaking box sa ibabaw mismo ng mga nilatag kong damit.

"Nandito yata ang isusuot mong damit kaya tumigil ka na riyan!" May kalakasan niyang sabi.

Natigil sa ere iyong daliri ko na ginagamit ko sa pag eannie meenie tapos ay natuon ang atensyon ko sa box na may nakalagay pang greeting card.

"Ang sweet naman pala ng Marqueza mo,Selena." Hagikgik ni ate. "Yung Marqueza ko kaya?"

Umikot iyong mata ko sa sinabi ni ate. Kinuha ko iyong card na nasa box at binasa para diko makita iyong hitsura ni ate.

Wear this,baby.Te amo.
-Hideo Marqueza

Para sa akin ay hindi sweet si Hideo. Mas dominant iyong pagiging mahalay niya kapag kasama ko siya pero tumili talaga ako sa kilig.

Bwisit ang Marqueza na 'yun! Hindi ko alam kung paano niya nagagawang pakiligin ako ng ganito pero shit lang! Naiihi ako sa kilig.

In Too DeepWhere stories live. Discover now