Kabanata 06

196 6 0
                                    

Kabanata 06
#Selene Asteria

Hideo

Pinanindigan kong huwag pumunta sa peryahan kahit kinukulit ako ng tropa ko sa phone. Pinatay ko nga iyon para hindi nila ako macontact at para hindi nila ako mapilit.Sinabihan ko rin ang mga gwardya na huwag munang papasukin ang aking mga kaibigan ngayong gabi.

Pero sadyang madiskarte at mapursigi ang mga siraulong iyon. They sneaked into our house like they were expert bandits. Inakyat nila ang bahay at pinasok ang aking silid. Gising ako that time pero wala akong nagawa dahil bigla na lang akong nawalan ako ng malay.

Paggising ko, nakagapos ang dalawang kamay at paa ko. Piniringan nila ako at maski ang aking bibig ay nilagyan nila ng plaster!Nalaman ko lang na tropa ko pala ang dumakip sa akin nang marinig ko silang nag-uusap.

"Parang gusto kong tawagan si Helios at humingi ng ransom."halakhak ni Del Fierro.

"Ibenta na lang natin si Hideo." Suhestyun ni Imperial.

"Oo tama! Virgin pa itong si Marqueza diba?" Si Ross.

"Oo. Virgin pa kaming dalawa." Sagot naman ni Imperial.

"Pumipilantik ka kasi kaya virgin ka pa." Asar naman ni Ramos kay Imperial. "Pero itong si Hideo,parang gusto ko siyang ipagahasa sa mga magdalena dyan sa kabilang bayan. Tiyak na masasarapan ang gagong iyan." Sabay halakhak niya.

Napahalakhak din ang tatlo.

Ipagagahasa na nga lang ako sa mga magdalena pa?

Minura ko sila ng malutong sa aking isip. Kailanman ay hindi ako papatol sa mga puta! I'm sorry to say this but I despise them! I despise girls! Ayoko sa kahit na sinong babae! Nadidiri ako sa kanila.

Gumagalaw galaw ako,sinusubukan kong makawala pero hinawakan lang ako ng isa sabay sabing...

"Wait lang pre,malapit na tayo sa peryahan. Relax ka lang diyan." Sabi ni Ross.

Damn you,Ross! Tinapik tapik mo pa talaga ako!

Kapag ako nakawala rito, papatayin ko talaga ang mga ulupong na 'to! Pero syempre,hindi ako papayag na mamatay sila kaagad,pahihirapan ko muna ang mga gagong'to!

Pinagpatuloy nila ang kwentuhan at nagtatawanan pa talaga sila habang nagsasabi ng kung ano anong bagay na hindi ko nagugustuhan.

Pucha! Kaibigan ko ba talaga ang mga 'to? Kasi...gusto talaga nilang ipadevirginize ako.

At nakakawalanghiya iyon!

Makalipas ang ilang sandali ay tumigil din ang sasakyan. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto na sa tingin ko ay mula sa harapan ng sasakyan.

Bumukas ang isa pang pinto tapos naramdaman kong binuhat ako ng mga kumag at pinaghirapang itayo sa damuhan.I know it's a grassland kasi wala akong sapin sa paa! Nakasando nga lang ako at shorts eh!

Dinig ko ang ingay ng mga tao at mas lalo lang akong naiinis dahil pakiramdam ko ay pinapanuod kami ng napakaraming tao.

"Pre,kalasin mo na iyong tali." Utos ni Del Fierro sa kung sino man sa kanila.

Humawak ang dalawa sa aking balikat at mga bisig. Iyong isa naman ay nakahawak sa aking mga binti. Alam na alam kung ano ang gagawin ah!

"Don't move,brother." Natatawang sabi ni Ramos. Siya ang magtatanggal sa mga tali ko.

Hinayaan ko naman siya. Hindi ako gumalaw. Relax lang ako kahit noong inalis niya ang piring sa aking mga mata at tumambad sa akin ang pailaw sa buong parke.

In Too DeepWhere stories live. Discover now