Kabanata 42

121 2 0
                                    

Kabanata 42
#positive


Warning:

This chapter contains violence and inappropriate use of language.

Please be guided accordingly. Gracias.

--

Hideo

I found myself searching something at the graveyard. Mag isa ko lang na pumunta rito. Bumabaliktad ang sikmura ko pero nanaig ang kagustuhan ng demonyong nasa utak ko.

I mean there's a voice inside my head. And he wants me here. He commanded me to be here. I squatted and roamed my eyes around. Ang sakit ng ulo ko. Kung kailan ako tumigil uminom saka naman ito mas lalong sumasakit.

Selena's no idea about my conditions. Wala naman akong balak na ipaalam sa kanya. Ayaw ko siyang mag alala. Ayaw ko siyang matakot. Gusto kong iparamdam sa kanya na safe siya sa akin--na kaya ko siyang protektahan kahit...ganito ako.

I heaved a heavy sigh and stucked my eyes on the graveyard. Tinitingnan ko iyong pinagbungkalan nilang lupa. Max really hired a private investigator to search Jaime's remnants. Marami rami rin silang nabungkal.

Nalasahan ko ang asido sa lalamunan ko. Kanina pa ako nagpipigil na masuka at ito na nga, hindi ko mapigilan dahil sa nakita kong mga buto ng...tao.

I threw up and I could feel a liquid coming from my eyes. Naluha ako sa kakasuka. Putang ina! Hindi ko kayang manatali rito.

Nagmamadali akong umalis. Binagtas ko ang daanan patungong ilog upang makaligo. Nag iba kasi ang pakiramdam ko sa libingan. Parang kumapit iyong kakaibang amoy sa akin.

Hindi na ako nagtanggal ng damit ko at saplot pang ibaba. Nilapag ko lang sa may tsinelas ko iyong phone ko saka ako lumusong sa tubig ilog. Tang ina ang lamig!

Umahon ako. Tumulo iyong tubig na nagmumula sa akin at wala na akong pakialam kahit nabasa ko na iyong phone na hinawakan ko.

Nasa eskwela si Selena. Sasamahan ko siyang kumain mamayang lunch break nila. Sa ngayon ay itetext ko na lang muna dahil baka hindi ako makaabot. May kailangan pa akong...gawin.

Hideo:
Baby,sabay tayong maglunch mamaya. Pero kung hindi ako makapunta,papadalhan kita ng pagkain.

Segundo lamang ang lumipas ng magreply siya.

Selena:
Okay,baby.

Napangiti ako. Ang lakas ng loob niyang tawagin akong baby sa phone pero sa personal hindi. Pero ayos lang sa akin kahit pangalan ko ang binibigkas niya.

Huwag lang 'yung apelyido ko kasi ang pangit ng rehistro no'n kapag galit siya. Though nagugustuhan ko rin iyong tawag niyang Marqueza sa akin kapag binibiro niya ako.

Naupo na muna ako sa batuhan at nagtipa ng mensahe.

Hideo:
What do you want to eat then? So I could buy a head of time.

Selena:
Alam mo na 'yun.

Hideo:
Fried chicken and fries?

Selena:
Opo.

Malakas talaga ang kutob kong buntis si Selena. Buntis ang asawa ko. At ngayon pa lang ay nag uumapaw na iyong tuwa ko. I promise I will be a good husband and a father. Aalagaan ko silang dalawa. Ibibigay ko lahat ng gusto nila. Hindi ko sila pababayaan.

Hideo:
Okay. I love you.

Selena:
I love you,Hideo.

Pinatay ko na ang phone ko matapos kong utusan si Max na magtake out ng pagkain sa fast food. Alas diez narin kasi ng umaga.

In Too DeepWhere stories live. Discover now