Kabanata 04

250 8 1
                                    

Kabanata 04
#Villa Estrella

Hideo

Limang taon.

Limang taon na ang nakalipas simula noong lisanin ko ang bayan kung saan ako pinanganak,binihisan,pinakain, pinalaki at pinag-aral ng isa sa mayayamang pamilya na aking kinabibilangan.

Sariwa pa.

Sariwa pa ang masalimoot na aking nakaraan. Hindi sapat ang limang taon para makalimot at para makapagsimulang muli. Pero sa labis na pangungulila sa aking pamilya, nagpasya akong bumalik.

At sa muli kong pag-apak sa masagana at matabang lupa ng Villa Estrella,hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin at kung ano ang aking dadatnan.

Matutuwa ba ang pamilya ko sa pagdating ko? O magagalit sila dahil nagbalik ako?

Marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago nagsalita."Manong para po. Dito na ako." Pabatid ko sa driver ng inarkila kong tricycle.

Tumigil naman ito sa gilid ng daan. Kinausap ako ng driver na hindi naman gano'n katanda ang hitsura.

"Sigurado ka bang dito ka talaga bababa hijo?"

"Opo."bumaba ako habang sukbit ko sa balikat ang isang strap ng aking bag.

Umikot ang driver patungo sa akin. Hinigit ko ang wallet sa bulsa ng aking pantalon at inabutan siya ng limang daang piso. Tatlong daan ang arkila ko sa kanya papunta rito sa bayan ng Villa Estrella at ngayon nga'y narito ako sa centro poblacion.

"Sa inyo na po 'yung barya." Sabi ko dahil kumukuha siya ng pambarya sa akin mula sa beltbag niya.

"Naku! Salamat sa'yo hijo. Napakalaking tulong ito." Tuwang tuwang turan ni manong.

Tipid akong ngumiti. May parte sa puso ko na natutuwa sa nakita kong ngiti mula sa kanya. Simple acts really matter eh.

Tinalikuran ko ang driver at pinagmasdan ang gate ng bahay namin.

Magarbong rehas ang style ng gate kaya tumatagos ang paningin ko kahit malayo ako.Wala parin naman itong pinagbago.

Buhay na buhay ang mga ilaw dito sa gate hanggang sa mismong porch ng bahay pero sa loob ay madilim.

What would I expect? It's almost 12 in the evening. People from there are probably sleeping in tranquility.

Pero nagbalik na ako. Sasakit na naman ang kanilang ulo. I'm pretty sure this would be their last peaceful night.

"I'm home fellas." Bulong ko kasunod ng aking pagbuntong hininga.

Pinindot ko ang doorbell ng sampong beses. Sunod sunod iyon. Sinisiguro ko lang na aabot sa tenga ng mga tao ang ringtone ng bahay para magising sila.

Nakita kong umilaw sa bandang kusina,sumunod ang salas at ang huling nagbukas ay ang pinto.

Lumabas ang babaeng may katabaan at medyo may katandaan narin.Dumiretso siya sa gate, sa mismong tapat ko at pinagmasdan ang aking kabuuan.

"Magandang gabi hijo. Sino ka at anong kailangan mo?" Inaantok niyang tanong sa akin. Kunot ang kanyang noo at nanliliit ang mata niya habang inaaninag ang mukha ko.

I know who she is and she has a special place in my heart.

Inalis ko ang hood ng jacket na nakapatong sa ulo ko para makita niya ng husto ang aking hitsura.

"Ako po ito nay Carmen." Mahina kong sabi at hindi ko na ito nadugtungan dahil hirap akong bigkasin ang aking pangalan.

Nanlaki naman ang kanyang mga mata. Ang kamay niyang nakakapit sa rehas ay tumakip sa bibig niyang nakaawang nang mapagsino ako.

In Too DeepWhere stories live. Discover now