Kabanata 14

180 7 0
                                    

Kabanata 14
#craving

Selena

Bitbit ni Hideo iyong panungkit at pamingwit. Dala dala ko naman iyong basket na paglalagyan namin ng prutas at saka container na paglalagyan ng isda.

Nakasungbit naman sa balikat ni Hanabi iyong dala niyang tote bag, laman nito ang dalawang tumbler at kung ano ano pang gamit na nilagay ni Hideo kanina.

"Kuya,malayo pa ba ang lalakarin natin?" Si Hanabi, pagod na yata maglakad.

Ang luwang naman kasi ng hacienda nila at mukhang hindi pa nalilibot ni Hanabi itong lupain nila.

"Malapit na tayo, mga two minutes na lang. Pagod ka na ba?"

Tumango si Hanabi.

"Sakay ka na lang sa likod ko."

Nagsquat si Hideo upang makasakay sa likod ang kanyang kapatid. Kinuha ko naman iyong dala niyang panungkit at pamingwit para hindi siya mahirapan.

Nadismaya kaming tatlo pagkarating namin sa kinarooonan ng mga mangga.

Paano'y matatayog ang mga puno nito,iyong hindi gaanong mataas na puno ay wala ng bunga--naani na yata nila. Pati iyong mga puno ng santol sa di kalayuan ay matayog din.

"Wala palang silbi 'tong panungkit natin." Komento ko.

"Akyatin ko na lang para may maiuwi tayong prutas."

Medyo labag sa kalooban ko iyong idea niya. Baka kasi mahulog siya pero wala naman kaming nagawa kundi ang panuorin si Hideo na umakyat sa puno ng mangga.

Pero infairness huh! Ang galing niyang umakyat.

"Upo ka muna,Hana. Ako na lang ang bahala sa mga bungang pipitasin ng kuya mo."

"Sige po,ate Selena."

Nilatag ko iyong baon namin na tela sa damuhan saka pinaupo si Hanabi roon, inabala naman nito ang sarili sa pagkuha ng litrato gamit iyong DSLR niyang nakasabit sa kanyang leeg.

Nilanghap ko naman ang sariwang hangin.Napakapresko talaga rito sa hacienda nila Marqueza. Kahit may araw pa ay hindi nito napantayan ang lamig ng paligid.

"Hey! I think I need help!" Sigaw ni Hideo mula sa itaas.

Pumunta ako sa kanyang tapat at tumingala para makita ko siya.Kagat kagat niya iyong damit niya, ginawa niyang lagayan ng prutas. Nagkandahulog nga iyong mga napitas niya. Mabuti na lang at nasalo ko iyong iba.Nilagay ko naman ang mga ito sa basket.

"Kailangan mo pa ba ng tulong?" Sigaw ko kay Hideo kahit na hindi ko alam kung paano siya tutulungan sa pagbaba.

Nagulat na lang kami ni Hanabi nang tumalon si Hideo mula sa itaas. Nakita kong napangiwi siya sa pagbagsak niya pero parang wala lang iyon sa kanya dahil dumiretso siya sa pwesto ng basket,nilagay niya roon iyong mga mangga.

"Kulang pa ito." Aniya.

"Kailangan mo pa ba ng lalagyan?" Tanong ko,nakatingin ako sa damit niyang namantsahan.

"Oo pero ako ng bahala."

Agad akong umiwas ng tingin nang hubarin ni Hideo iyong tshirt niya. Sa tingin ko ay gagawin niya itong cloth bag o tote bag.

Gosh! Pwede naman niyang gamitin iyong tote bag na dala ni Hanabi.

"Diyan lang kayo at pupunta ako sa kabilang puno."

"Samahan na kita." Suhestyun ko.

Tiningnan lang niya ako bago siya tumayo at naglakad papunta sa kabila.

In Too DeepWhere stories live. Discover now