Kabanata 03

270 9 2
                                    

Kabanata 03
#hideomarqueza

Selena

Nagpapadyak ako sa aking higaan. Hindi maalis sa isipan ko si Ezechiel. Mukha siyang anghel na bumaba mula sa langit. Napakaamo ng kanyang mukha.Ang tagal kong hinintay na makita siya--na makilala siya pero siya ba talaga 'yun?

I saw his face that night but it was vague. I can't remember it. All I could recall is his voice--his sweet and delicate voice like Ezechiel. I am sure he's tall but not like...Marqueza.

Wait...bakit sumabit sa isipan ko si Marqueza?

Sigurado ako sa boses ni Ezechiel. But there's a part of me that is indecisive.

Nahiga ako at napatitig sa kisame na yari sa kawayan. Nakita ko ang mukha ng Marqueza na iyon! Nagrireplay sa utak ko ang hitsura niya.

Hindi ko ikakailang guapo siya. Para siyang nag-materialized na greek god.Ibang iba siya sa mga guapong lalaki na nakita ko na. Maging artista sa telebisyon ay natitiyak kong talo sa taglay niyang kaguapohan.

Hindi naman ako mahilig sa guapo, sa mga kagaya niya. Ang importante sa akin ay attitude,personality and inner beauty.

But it's really hard to forget his handsome face. Kulang ang salitang guapo para idescribe siya. At kahit paulit ulit kong ipaalala sa sarili na pangit ang ugali niya,na kalaban ko siya,humahanga parin talaga ako. At nakaiinis iyon!

Si Ezechiel dapat ang pinapantasya ko. Oh wait...hindi ko pinagpapantasyan si Marqueza. Kalaban ko ang lalaking iyon! Bwisit siya! Bumangon ako at muling binaling sa mga unan iyong inis ko.

"Selena!?" Tawag ni ate sabay bukas ng pinto sa aking silid.

Natigil ako sa kapapadyak at kasusuntok sa mga unan ko.

"Ate!?" Gulat kong bigkas.

Kinunutan niya ako ng noo."Okay ka lang?"

"Hah? Oo naman ate." Nginitian ko siya. "May lakad ka ngayon?"

Siya nga pala,bati na kami ni ate kahapon. Siya ang unang nakipag-usap sa akin at ibig sabihin no'n ay okay na kami kaya binigay ko agad iyong key chain pagkatapos ko siyang yakapin. Masaya ako kasi nagustuhan niya iyon.

"Oo eh. Interview ko ngayon sa inapplayan kong summer job. Ipagdasal mo ako ah. Kapag nakuha ako, ililibre kita." Kindat niya.

"Sama ako."

"At anong gagawin mo?" Taas kilay niyang tanong.

"Maghahanap din ng trabaho para matulungan ko rin si mama sa gastusin natin kahit ngayong bakasyon lang."

Umiling si ate."Just leave it to me,Selena. Bantayan mo na lang itong bahay natin baka tumakas." Tawa niya at nagpaalam na siya.

I'm home alone.

Inabala ko na lang ang sarili sa paglilinis ng bakuran namin at pagdidilig sa mga halaman at gulay. Namitas din ako ng bunga ng sitaw at kalabasa para may maulam ako mamayang tanghali.Nagwalis lang naman ako sa loob ng bahay at naghugas ng pinagkainan kanina.

Sumalampak ako ng upo sa parihabang upuan dito sa salas para makapagpahinga. Binuksan ko ang cellphone ko at tinutok ito sa mukha ko.

Ni-type ko ang apelyidong Marqueza sa search tab ng facebook. Nawindang ako sa dami ng lumabas na pangalan karugtong ng apelyido.

Binura ko iyon at si Ezekiel Imperial ang ni-typed ko. Gaya ng dati ay maraming Imperial ang lumabas ngunit ang nakaagaw sa akin ng pansin ay ang profile ni Zion Ezechiel Imperial.

In Too DeepKde žijí příběhy. Začni objevovat