Kabanata 35

105 4 0
                                    

Kabanata 35
#pag iwas


Selena

Hideo melted the wall I built to protect the inner peace I wanted. He saved me from drowning to death but now, he's slowly killing me through anguish.

Maybe kiss is superficial for other people like it's not a big deal. But it should be considered as sacred--exclusive only for two souls tied with love, with the same rhythm of heartbeats.

Hideo should know that kissing someone when you're in a relationship is peculiar. That's a betrayal.

And it never crossed in my mind. Betraying someone I love isn't listed in my vocabulary. Not even once.

The paradoxical effect of Hideo's betrayal serves as a sign of uncertainty--leaving a mark of negativity. And the trust he earned from me is fading... sluggishly.

I was just thinking...

Mahal ba talaga ako ni Hideo?

Or gusto lang niya 'yung idea na mahal niya ako?

His love, is it really unconditional?

Or he only loves me whenever I surrendered my body?

Kasi kung ako ang tatanungin, hindi ko kayang ipaliwanag iyong pagmamahal ko kay Hideo.

No words can exactly describe the word love. But when I love,it's pure. Genuine. Unconditional.

How about Hideo?

Ano kayang naramdaman niya habang kahalikan niya si Anna? Ano kayang nasa isip niya bakit niya nagawang tugunin ang halik ng babaing iyon?

Gusto ba niya si Anna? O mahal niya si Anna? Si Anna na ba ang mahal niya? At ito na lang ang tanging paraan upang ipaalam sa akin ang totoo?

Napukaw ang mga bagay na bumabalot sa isipan ko dahil sa pagtunog ng phone ko. Dinampot ko ito mula sa side table at binuksan.

Ang daming text at missed calls ni Hideo. Napangisi ako sa inis. Kahit tadtarin niya ako ng text, chat o missed calls,hinding hindi ako titiklop.

Matagal ko nang napapansin na kahit hatid sundo niya ako,hindi na siya gaanong nag eeffort. I mean limitado na iyong mga kilos niya at communication namin.

At hindi naman niya ako kukulitin ng ganito kung hindi pa siya umamin sa nagawa niyang kasalanan.

Hindi na siya 'yung Hideo Marqueza na nakilala ko. Honest. Straightforward. Playful. May pagka discrete--like he's detached to other people pero ramdam ko iyong connection namin sa isa't isa at diko nakikitaan ng kasinungalingan iyong mga mata niya.

Binasa ko iyong ibang text niya sa akin gamit ang mga mata ko. Dati, excited akong makatanggap ng text o tawag mula sa kanya pero ngayon,parang ayaw ko ng magcellphone.

Hideo:
Selena, baby. I'm sorry.

Hideo:
I won't do it again.

Hideo:
Talk to me,please.

Hideo:
I love you.

"Tang ina mo!" Gigil kong sabi. Matutuwa sana ako ngayon kung hindi niya hinalikan si Anna.

Mahal kita Hideo pero mas nangingibabaw iyong galit ko sa'yo. Hindi ko alam kung tama ang sasabihin ko pero sana ay hindi ka na lang umamin. Sana itinago mo na lang.

Pero hindi ko yata kakayanin kung ako mismo ang makatuklas sa kagaguhan niya--kung ako mismo ang makakita sa mga kalokohan niya.

Pinatay ko iyong cellphone ko at nag aral na ulit ako. May klase pa ako bukas at kailangan kong magfocus sa studies ko. Sunod sunod pamandin ang quiz namin at nalalapit na ang prelim exam week.

In Too DeepWhere stories live. Discover now