Kabanata 18

188 4 0
                                    

Kabanata 18
#te amo

Selena

"Saan kayo galing? Bakit ngayon lang kayo nauwi?"

Ito ang sumalubong sa amin ni Hideo nang makauwi kami sa bahay. Magkahalong galit at alala iyong tinig ni mama. Makahulugan ang titig nito sa amin ni Hideo.

Napatingin ako kay Hideo nang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko--para bang sinasabi niya sa akin na nandyan lang siya,hindi ako pababayaan.

"Naligo po kami sa ilog ma." Diretso kong sagot.

Basa kami ni Hideo. Pareho kaming pagod pero hindi namin iyon ipinapahalata dahil baka iba ang isipin ni mama. Sana lang ay hindi sumagi sa isip ni mama na may ginawa kaming milagro.

"Hay! Ibang iba na talaga ang mga kabataan ngayon." Pailing iling na sabi ni mama matapos niya kaming sermunan.

Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko sa mga paratang na lumalabas sa bibig ni mama kanina pero hindi ko nagawa dahil mas concern ako ngayon sa pang ibabang parte ng katawan ko.

"Maligo na kayo ulit. Dalian niyo ang kilos at nang makakain na tayo ng panghapunan."

Nagtungo na si mama sa kusina at dinaluhan si ate Sheena sa mga gawin doon.

Hideo and I looked each other. His deep blue eyes are kinda penetrating so I looked away.

"Uh...mauna ka nang maligo sa banyo. Kukuha lang ako ng extra towel."

Alam na ni Hideo kung saan iyong banyo namin kaya hindi na ako nag-iwan ng instructions.

Nagmamadali akong umakyat. Nagtungo ako sa silid ko at naghanap ng pwedeng isuot ni Hideo.

May nahigit akong black oversized shirt sa aking cabinet.Two Xl ang size nito,kasya na siguro kay Hideo.

Naghanap ako ng shorts at nadampot ko iyong kulay itim na garterized short ko. Umaabot ito sa tuhod ko kapag sinusuot ko kaya pwede na siguro ito.

Hinigit ko ang bagong labang tuwalya sa rack holder katabi ng cabinet ko. Nilagay ko muna sa supot iyong mga damit tapos ay tumakbo ako pababa dala ito pero hindi ko naabutan si Hideo sa salas. Marahil ay nasa banyo na siya.

Tiningnan ko muna iyong dalawang kasama ko sa kusina saka ko tinungo ang kinarooonan ng banyo--nasa labas ito ng bahay namin.

Naririnig ko iyong pagbuhos niya ng tubig.Parang ayaw ko tuloy siyang istorbohin.

Pero kailangan niya itong mga dala ko.

Tumigil ako sa tapat ng pinto saka kumatok, mahina lang iyon dahil baka marinig ng mga kasama ko.

"Hideo, ibibigay ko lang itong tuwalya at damit na gagamitin mo." pabatid ko, nakatingin ako sa mga paa ko habang sinasabi ko iyon.

Bumukas naman ang pinto pero hindi gano'n kaluwang ang pagkakabukas. Parang binibigyan niya lang ng space iyong kamay ko.

Inabot ko iyong dala ko nang hindi tumitingin sa kanyang direksyon dahil baka masilip ko siya.

Naramdaman ko ang mainit niyang kamay na humawak sa braso ko. Hinigit niya ako papasok sa loob.

Hindi ako nakagalaw nang isandal niya ako sa likod ng pinto at agad nilamon ang labi ko.Masyado siyang malakas para pigilan ko.

Bahagya akong napaigtad sa pagpasok ng kamay ni Hideo sa loob ng tshirt ko.

Humawak siya sa aking dibdib. Saglit niya lang itong pinisil dahil bumaba iyong palad niya,ipinasok niya ito sa loob ng shorts ko.

God! Masakit pa iyong pagkababae ko. Hindi pa ako ready sa round 3.

In Too DeepWhere stories live. Discover now