Kabanata 46

108 3 0
                                    

Kabanata 46
#walk out

Selena

Naghalungkat ako ng maisusuot ko for acquaintance party. Kyla informed me she bought an outfit for tonight. May ipon ako pero ayaw kong gumastos. Idadagdag ko iyong pera ko sa...plano ko.

"Selena! Twinning tayo mamayang gabi." Si ate,may dala dala siyang mga damit na pwedeng isuot.

Mafia ang theme ng acquaintance party. Isahan ang celebration no'n. May departmentalized pero dipa nasiset iyong sa department namin. By this coming weekend siguro.

"Ano bang isusuot mo ate?"

"Uhmmm. Black dress? Boots? Heto tingnan mo itong kinuha ko para sa'yo,baka magustuhan mo."

Pinakita niya sa akin iyong mga gamit niya. Ate Sheena's addicted to boots and coats. Ginagamit niya ito for aesthetic outfits. And I admire her 'cause she looks like a model and a korean actress whenever she groom herself for a particular occasion.

Samantalang ako,shirt at shorts lang ang alam kong isuot bukod sa mga dress. Sneakers, heels at tsinelas lang din ang alam ko pero okay lang. Maganda parin naman ako kahit anong ayos ko. And Hideo loves my simplicity.

Oh wait.. bakit ko ba siya iniisip?

Pinilig ko ang aking ulo. Tiningnan ko iyong outfit na sinasabi ni ate Sheena. Maiksi iyong damit. Masyadong lantad iyong hita ko rito kapag ito ang isuot ko.

"Ano? Pasok sa banga?" Nakangiti si ate.

Nagthumbs ako. I don't have a choice. Wala akong mahanap na isusuot kaya gagamitin ko na itong binigay ni ate.

"Papasok pa ba tayo sa school ngayon?"

Tanghali na at hindi pa kami lumalabas ng bahay. Ginamit namin ang oras kaninang umaga para maghanda sa acquaintance party.

"Hindi na! Ano ka ba! Parang dimo naman alam ang style ng school natin."

"Hmmm. Sige."

Inayos ko ang sarili nang makaligo ako. Pupunta ako kina Marqueza ngayon. I am not sure if nasa hacienda siya pero pupunta parin ako kahit wala siya.

Dinampot ko iyong tote bag kong paglalagyan ko ng gamit ko. Kukunin ko iyong mga damit at iba pang gamit ko sa kanya. I need those things.

"Ate,alis muna ako ah!" Paalam ko sabay labas.

"Saan ka pupunta?" Hinabol ako ni ate. "Huy! Saan ka pupunta?"

"Diyan lang ate! Babalik din ako agad."

Nag antay ako ng trike. Mga ilang minuto rin akong naghintay bago ako nagdecide na maglakad papunta sa hacienda Marqueza. Mas matatagalan ako kapag inubos ko ang oras sa pag aabang ng masasakyan.

Pagod man ay nagawa kong batiin iyong gwardya na abala sa pagkain ng lunch. Medyo nakaramdam ako ng hiya kasi naantala ko iyong tahimik nitong lunch break.

"Uh! May kukunin lang po sana ako sa loob." Sabi ko nang tingnan ako nito."Meron po ba si... Hideo?" Halos mailuwa ko iyong dila ko nang banggitin ko iyong pangalan niya.

"Si sir Hideo" sambit niya. "Oo,nasa loob. Pasok kana lang ganda."

Nagpasalamat ako. May kaba iyong dibdib ko pero kung mananaig ang kabog nito,hindi ako magtatagumpay sa binabalak ko.

I composed myself. I have to be toughed infront of Hideo Marqueza. Kung kailangan kong maging bastos para lumayo siya sa akin, gagawin ko. Kung kailangan ko siyang saktan para tigilan niya ako,gagawin ko.

Hindi siya kawalan.

Malayo pa ako kay Marqueza pero natatanaw ko na siyang nakatayo sa may balkonahe ng ancestral house nila. Nakatingin siya sa kawalan. May hawak siyang baso na sa tingin ko ay alak ang laman.

In Too DeepWhere stories live. Discover now