Kabanata 60

172 4 1
                                    

Kabanata 60
#full time

Warning:
Explicit/mature contents.

Read at your own risk.

Please be guided accordingly.

Gracias!

--

Selena

Invited kaming tatlo sa birthday ni Hanabi. Sa sobrang busy ko sa panghaharot sa kuya niya,hindi na ako nakabili ng ireregalo ko.

Si ate,may binili siyang crocheted summer outfit na perfect sa slim na katawan ni Hanabi. Si mama naman ay books ang binili. Ako,wala talaga akong ibibigay. Pamangkin na lang.

"Bakit kasi hindi ka nagpibili sa akin ng ireregalo mo?" Si ate Sheena,pinapangaralan na naman ako.

"Nawala sa isip ko eh." Kumamot ako sa noo ko.

"Paanong hindi mawawala sa isipan mo eh nakikipaglandian ka sa asawa mo."

"At least sa kanya lang."

"Eh paano kung hindi siya bumalik,maghihintay ka parin ba?"

"Oo."

"Kahit walang kasiguraduhan?"

Natahimik ako.Ang totoo niyan ay hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali man na hindi na talaga siya babalik. Pero bumalik siya eh! Kaya bakit ko pa iisipin ang bagay na 'yun? Masasaktan lang ako.

"Ano, Selena? Will you still wait even if it's a decade? Century?"

"Ate, hindi na importante ang sagot ko riyan. What matters to me now is that Hideo came back. Bumalik siya ate. Binalikan niya ako."

"What if lang naman,Selena." Bumuga siya ng hangin. "Oh siya! Tara na sa hacienda niyo."

Sumakay kami sa trike ni Mang Enteng. Hinatid kami nito sa hacienda Marqueza at pinapasok kami kaagad sa loob. Kilala na ako ng gwardya.

Ginala ng dalawang kasama ko iyong mga mata nila. Gabi na pero ang liwanag ng buong paligid. Ang daming lights! Ang daming flowers! Ang ganda ng ginawa nilang preparation! Parang nasa paraiso kami.

"Ang ganda naman ng venue." Komento ni ate, namamangha siya kagaya ko.

"Oo nga. Diko inaasahan ito."

Bumaba si Hideo mula sa ancestral house. Sinalubong niya kami. Nagmano siya kay mama,nakipagfist bump siya kay ate at...humalik siya sa labi ko.

Hindi ako kaagad nakapagreact doon. Ang bilis kasi niya. Nasa harapan ko lang siya kanina. Ngayon ay ako na lang ang nakatayo rito sa mismong tapat ng bahay.

Hinatid ni Hideo iyong dalawa sa may kusina. Gusto yata kasing makipagkwentuhan ng mama ko kay nay Carmen. At ngayon ko lang napagtanto na magkakilala silang dalawa.

"Come." Untag ni Hideo sa akin,nandito na naman siya kaagad sa harapan ko. Nakatingala na naman tuloy ako.

"Saan? Bakit dimo tinawag si ate?"

"Tinawag ko. She said she doesn't want to..intrude."

Tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit? Ano bang gagawin natin?"

"Nothing." Umiwas siya ng tingin. "Come,baby."

He held my hand and it sends me a unit of heat. Sumulyap ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"Saan tayo pupunta?"

"Diyan lang. Sa bahay." At hinila na niya ako paakyat sa ancestral house.

Naupo kaming dalawa sa sofa na nasa salas. Hideo looks tired. Sabi ko kasi tulungan ko siyang magprepare eh!

In Too DeepWhere stories live. Discover now