Kabanata 21

137 4 0
                                    

Kabanata 21
#tease

Selena

Suot ang bathrobe ni Hideo ay dumiretso ako sa walk-in closet niya pagkatapos kong linisin ang katawan ko.Hindi na ako nagtagal sa banyo kasi pakiramdam ko ay malulunod ako sa luwang nito.

Gumala ang paningin ko sa kabuuan ng walk-in closet ni Hideo. Ang dami niyang gamit. Napakaayos tingnan. Mukhang mamahalin lahat.

Seriously,parang isang bahay na 'tong kwarto ni Hideo sa sobrang lawak.

Lumapit ako sa isang cabinet, transparent ito kaya kita ko iyong laman at puro tshirt iyon.

Kumuha ako ng isa. Black shirt iyon na may tatak na supreme. Sa ibaba ng cabinet ay binuksan ko iyong drawer at tumambad sa akin iyong undergarments ni Hideo.

Dumampot ako ng isang boxers kahit na nag iinit ang pisngi ko sa mga brief na nakikita ko.

Grabe naman si Hideo! Brief lang naman niya iyon pero ang lakas na ng epekto sa akin. Ang unfair!

Sinuri ko iyong hitsura ko sa human size mirror niya at pinuntahan ko na si Hideo nang masiguro ko na maganda ako kahit ang laki ng mga suot ko.

Hideo's leaning on the edge of the counter table, facing the cooking area. He's holding his phone and busy browsing when he locked his eyes on mine as soon as I entered the kitchen.

Kita ko ang pagkalaglag ng panga niya habang pinapasadahan ako ng tingin.

Nginitian ko naman siya. Dirediretso akong naglakad palapit sa kanya hanggang sa tumigil ako sa kanyang tapat--sa kanyang harapan.

"You're beautiful." Aniya sabay lapag ng phone sa counter table. Humawak siya sa bewang ko at walang pasabing dinampi ang labi sa labi ko.

Nagulat ako kasi pinasok niya 'yung kamay niya sa loob ng suot kong tshirt at dumapo iyon sa dibdib ko.

"What the fuck,Selena! You're not wearing a bra?"

Inalis ko 'yung kamay niya saka ako umatras para magkaroon kami ng distansya.

Bakit ba kasi niya hinawakan iyong dibdib ko?

"Ang sabi mo sa akin,ipapalaba mo 'yung mga damit ko?At saka...okay lang naman kahit wala akong undergarments ngayon. Hindi pa naman tayo aalis,diba?"

Muli siyang nalaglagan ng panga. Bakit ba siya apektado? Eh siya nga 'tong nagsabi na okay lang kahit hubad ako sa harapan niya. May saplot pa nga ako eh ganyan na siya makapagreact.

"Right!" Umiwas siya ng tingin.

Tinawag niya ang isang kasambahay na halata ang kilig habang kinakausap siya ni Hideo. Inutusan lang naman niya itong kunin at labhan iyong gamit ko.

Tumabi ako kay Hideo pagkaalis no'ng babae at sinamahan siyang panuorin iyong tinitingnan niya sa phone niya kanina.

He's reading an articles and laws about land. Need niya sigurong aralin ang mga iyon para sa business nila.

Kinuha ko naman 'yung phone ko at kinuhanan siya ng picture na nakaside view kasama iyong kamay kong nakaheart shape in korean style.

Then I checked his picture.Ang guapo niya tingnan sa suot niyang apron at ang guapo niya kahit nakaside view. Ang unfair talaga!

I slightly put a blurry effect on the picture. Then I posted it in IG and captioned a heart emoji. Ni-share ko rin iyon sa myday story ng messenger app.

Hindi ko na siya naitag kasi malalaman nilang siya ang señorito ko. Mahirap na nuh! Baka hindi na ako sisikatan ng araw.

Marami akong kinuhang stolen shots ni Hideo kasi nakakaadik siyang kuhanan ng litrato. He's photogenic,you know.

In Too DeepWhere stories live. Discover now