Kabanata 23

132 3 0
                                    

Kabanata 23
#confess

Selena

Inaliw ko ang sarili sa pag inom ng red wine habang hinihintay ko si Hideo na bumalik sa akin.

Pinalilibutan siya ng mga barkada niya--mga elites at iba pang bisita.Sa tangkad ni Hideo, makikita mo siya kaagad kahit sa kumpulan ng mga tao.

May mga kabataang gustong magpapicture sa kanya pero tinatanggihan niya ang mga ito kaya iyong iba ay walang nagawa kundi ang kumuha ng stolen shots.

Pista rito sa Ciudad de Catalina at katatapos lamang nilang i-celebrate ang Flores de Mayo. Dapat sanang umakto na parang santo o birheng Maria ang mga katulad kong dilag na nandirito.

Ang kaso ay handa na nilang isuko agad ang hiyas sa lalaking ngayon pa lamang nila nakita.Pinagkakaguluhan nila si Marqueza na tila isa siyang puon na puno ng pagpapala.

Hindi ko naman sinasanto si Hideo pero ako ang kanyang pinagpala.

Marami akong nakitang guapo sa paligid ko. Hindi lang naman si Marqueza ang pinagkalooban ng Diyos ng magandang mukha pero malakas talaga ang dating niya.

Para siyang bermuda triangle na nanghahatak ng eroplano at barko papunta sa kailaliman ng dagat.

At isa na ako sa nahatak niya.

Isa na ako sa nahulog sa pinakailalim ng dagat dagatan niyang patibong.

Hindi ko mawari kung bakit ako ganito. Umiibig lang naman ako.

Hindi ako flowering plants pero namumulaklak ang bibig ko,nagiging makata na.

Tinampal ko ng mahina iyong mukha kong nakatutok sa direksyon ni Marqueza.

Masyado na niyang nakuha ang atensyon ng mga makaluma at makabagong Maria Clara.

Nagsalin ako ng alak sa baso kong nasa aking kamay. Pinagmasdan ko ang kulay nitong sumasalamin ng dugo. Masyado itong mapula sa aking paningin. Nakakaakit lagukin.

This isn't my first to drink an alcoholic beverage. Nasubukan ko nang mag-inom at magbalak tumalon upang magpakamatay. Ngunit hindi ako nagtagumpay!

Hindi ako nagtagumpay na wakasan ang aking sarili dahil sa isang tao na hindi ko pa nakikilala pero sa tingin ko ay nasa harapan ko na siya.

Hindi ako tanga. Hindi ako bobo. Sabi nga ni ate Sheena ay Dean's lister ako kaya dapat lang na gamitin ko ang utak ko sa mga ganitong sitwasyon.

Sa tingin ko ay nagamit ko naman ito.Sa mga panahong namalagi ako sa hacienda Marqueza, unti unti kong napagtanto na ang taong hinahanap ko ay malapit lang sa akin.

Sa kaonting panahon na nakilala at nakasama ko ang mga Marqueza ay maingat kong napagtagpi tagpi ang lahat.

Mula kay Ezechiel.

Kay Helios.

At ngayon ay si Hideo.

Tinig lang naman ang basehan ko. Tenga lamang ang gagamitin ko para makilala ang taong nagparamdam sa akin na masarap ang mabuhay.

Pero hindi lang tenga ang gumana sa katawan ko kundi ang puso ko at buong katawan ko mismo.

Kaya ngayon... hihintayin ko si Hideo na bumalik sa akin--na magsabi  ng kanyang lihim.

Mahal ko ang lalaking iyon at handa akong tanggapin ang lahat basta't huwag lamang siyang magkakamali dahil hindi talaga ako magdadalawang isip na hiwalayan siya at lisanin ang mundong ito.

"Mag-isa ka yata,Selena."

Naglaho ng parang bula ang mga bagay na nasa aking isipan. Dumako ang mata ko sa taong nagsalita na ngayon ay malawak ang ngisi sa akin.

In Too DeepWhere stories live. Discover now