Kabanata 28

158 3 0
                                    

Kabanata 28
#ilocos


Selena

Mabilis lamang lumipas ang araw at heto na nga, naghahanda na kami papuntang Ilocos. Saglit lang naman kami roon,mga 5 days and 4 nights.

After ng week na 'to ay pasukan na namin sa midyear class tapos panibagong school year na naman pagsapit ng Agosto.

Sulitin ko na ang bakasyon habang may time pa ako. Kapag nagsimula na ang klase,hindi na ako makakalabas,taong-bahay na naman ako ulit.

Si Hideo lang naman ang nagbigay kulay sa bakasyon ko eh.Dati school-bahay,bahay-school lang ang routine ko. Malimit akong pumasyal sa kung saan saan. At si ate Sheena ang palagi kong kasama.

Ngayon ay iba na. Marami na akong napuntahang lugar. Nagkaraoon ako ng instant friends. Maraming nangyari in just a short period of time. At lahat ng iyon ay dahil kay Hideo Marqueza.

Ang guapong 'yun!

"Kumpleto na ba ang lahat ng gamit natin? Wala na ba tayong nakalimutan?" Si mama, binibilang niya iyong bagahe namin at kinuhanan pa niya ito ng litrato para raw hindi mawala.

Tatlong maleta iyong dala namin. Dalawang medium size at isang large size. Sa akin iyong large size. Limang araw kami roon kaya marami akong nilagay na damit. Naroon din iyong matching outfit namin ni ate Sheena.

May dalawa pang tote bag na puro pagkain ang laman. Mahilig kami sa food lalo na kung ganitong magbabyahe. Mas tipid din kasi.

Bukod doon,tig iisa kami ng bag. Sling bag iyong kina mama at ate samantalang small backpack iyong akin. Lagayan lang ng personal na gamit.

"Okay na sa akin ma." Tugon ni ate Sheena na kanina pa kumukuha ng picture niya. Mukhang pati ako ay kinukuhanan niya ng larawan kaya nagpose naman ako kasama iyong mga bagahe.

"Ikaw,Selena? Wala ka na bang nakalimutan?"

"Wala na po ma. Dala ko na po iyong isang cabinet ko." Biro ko. Sa dami ba naman ng siniksik ko sa maleta, halos laman na iyon ng isang cabinet ko.

"Ikaw talagang bata ka!" Naiiling na turan ni mama. "Oh siya! Tara na sa labas. Doon na natin hintayin si Hideo."

Naipalaam ko kay Hideo na mag out of town kami ngayong week.

At nagprisinta siya na ihatid kami sa terminal at pumayag naman agad si mama roon. Kaya heto kami ngayon sa labas ng bahay,nag aabang ng asul na sasakyan.

Naalala ko iyong reaksyon ni Hideo. Kahit hindi niya isatinig ang nararamdaman, napansin ko na nalungkot siya. Ilang araw din kasi kaming hindi magkikita.

Magkahalong lungkot at saya naman ang pumupuno sa damdamin ko.

Malungkot ako kasi hindi ko makikita si Hideo ng ilang araw.

Pero masaya rin kasi makakapagbonding kami nina ate at mama. Basta gano'n ung feeling.

"Asan na si Hideo?" Usal ni mama.

"Papunta na po siya ma." Tugon ko, katatapos ko lamang basahin iyong text niya sa akin.

Hindi na ako nagpadala ng reply dahil baka nagmamaneho na iyon. Nagrereply pamandin siya kahit nagdadrive at nakakatakot iyon. Baka madisgrasya siya.

Pumarada ang itim na SUV sa tapat namin makalipas ang ilang minuto.

Napaayos kami ng tindig habang tinitingnan iyong sasakyan sa harapan namin. Nagkitinginan kaming tatlo at wala sa loob na nagkahawakan ng kamay, kinakabahan.

Baka kidnappin kami dito,uy!

At handa na kaming tumakbo kung sakali man ngunit bago pa kami tuluyang mamatay sa takot at kaba, bumukas ang pinto ng driver seat.

In Too DeepWhere stories live. Discover now