Kabanata 52

89 4 0
                                    

Kabanata 52
#broke

Hideo

"Señorito!"

Inagaw ni Max ang atensyon ko maging ang pansin ng kapatid ko. Tumabi sa akin si Helios at sinabayan akong panuorin ang paparating na bulto.

Max is wearing his famous fitted black shirt and jeans paired with black shoes. His perfect visage and body can easily capture a woman's heart. Labis ang pagtataka ko kung bakit sa tanang buhay ko ay di man lang yata siya nagkagirlfriend.

Seems like his loyalty to our family prevented him to commit into a serious relationship. Imposible naman na hindi siya tumikim ng babae. With his perfect posture, he can fuck whoever he wants.

But I guess,he's not that kind of man. He's a husband material more than a bodyguard. I hope he can build his own family.

Winaksi ko ang paghanga sa lalaking walang ginawa kundi ang galangin at pagsilbihan ako kahit na siya ang tunay na kagalang galang. Ako ang tagapagmana pero sa sitwasyon ko ay tila diko kayang gampanan iyon.

Pinagtuunan ko ng pansin ang basong may kaonti pang laman na alak. Linagok ko ito bago ko paman siya narinig na kumibo.

"Señorito! I don't think it's the right time to be here but my presence shall inform you that I successfully gathered what you have asked for. And if you wish to talk about it later, allow me to leave."

"No!" Pigil ko. "Just spill the tea."

Saglit na gumuhit ang gulat sa mukha ni Max. Sinulyapan niya ang kapatid kong namamangha sa pinag uusapan namin. Helios didn't know about it. And I guess, there's no use of hiding it from him. Baka matulungan pa niya ako sa bagay na ito.

"Sure, señorito." Max said after a while and he presented the brown envelope. "Everything you wanted to know is in here."

Si Helios ang tumanggap sa envelope na inilahad ni Max. Sinulyapan ako ng kapatid ko,nagtatanong. Sumenyas lang ako na siya na ang bahala sa envelope.

Lumakad si Helios palapit sa mga upuan na nandito sa balkonahe. Naupo siya sa pang individual at gayundin ang ginawa ni Max habang ako ay nanatiling nakatayo,umiinom parin. Uubusin ko ang isang boteng alak.

"What's this?" Nalilitong turan ng kapatid ko pero diko alam kung kanino niya iyon tinatanong dahil muli na akong sumulyap sa kung saan. "You have searched Jaime's corpse?"

"Remnants, señorito." Pagtatama ni Max.

"Yeah! And the data revealed that the remains--the DNA found were not his."

Isang malutong na mura ang kumawala sa akin. Napakalaking misteryo ang pagkamatay ng pulis na iyon. Until I unleashed the truth. At ngayon nga'y magmimistulang bugtong ang paglaho ng katawan nito.

Ang sabi sa akin ni Max,halos mabungkal na nila ang lahat ng lupang pwede nilang bungkalin pero wala silang nakita maliban sa mga buto ng hayop. At kung magpapatuloy pa sila sa paghahanap, paniguradong masisira ang kagubatan.

Iyong nahanap nilang mga labi,sa libingan parin galing ang mga 'yun,nagbabakasali na baka nandoon lang ito pero ang datus na ang nagpatunay na walang Jaime Eugenio sa graveyard.

Diko tuloy mapigilang magtaka. Saan kaya nila dinala ang katawan niya? Tinapon kaya nila sa labas ng bayan? Pinakain sa mga mababangis na hayop? Pinaanod sa tubig ilog?O baka naman itinago?

Pero saan ito itatago? Bakit kailangang itago ngayong may libingan naman para sa mga taong pinapatay ng mga Marqueza?

"Why are you searching for his remnants? Why are you still investigating the cause of his death? Didn't they affirm that he died from car accident? And why are you doing this,Hideo? Labas na tayo sa kasong ito."

In Too DeepTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang