Kabanata 24

141 4 0
                                    

Kabanata 24
#lihim

Hideo

"Hideo, paano mo nai-drawing iyong mukha ko five years ago kung...kung ngayon pa lang naman tayo nagkita. I mean...kailan lang tayo nagkakilala."

Paano nga ba?

Sa totoo lang ay hindi ko rin lubos maisip kung paano ko nga ba naiguhit iyong mukha ni Selena.

Maging ako ay nagtataka kung bakit iyong nakahuhumaling niyang mukha ang naging masterpiece ko five years ago.

At iyong portrait na nakita niya sa kwarto,isa lang 'yun sa mga gawa ko.

Pero paano nga ba?

Sa pagkakaalam ko ay kailan ko lang din siyang nakita at nakilala.

Pero bakit ganito?

Bakit pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kilala?

"Salamat sa paghatid." Pukaw ni Selena sa akin. Maaga ko siyang hinatid kasi hinahanap na siya ng mama niya.

Sumulyap naman ako sa maganda niyang mukha. Alam kong puno ng katanungan ang kanyang isipan at ngayon pa lang ay humihingi na ako ng pasensya at pang unawa dahil hindi ko talaga masasagot ang mga iyon.

Hindi naman na siguro importante ang nakaraan?Sapat naman na siguro iyong pagmamahal ko para hindi niya ako pagdudahan?

"See you tomorrow." Usal ko. Bukas ay pista na rito sa Villa Estrella at naeexcite akong manuod ng mga programa kasama si Selena.

"See you tomorrow. Pero magkikita parin naman tayo mamaya sa video call."

"Yeah!" I smiled and gave her a kiss on the lips.

Adik na yata ako kasi kahit araw araw kong halikan si Selena ay hinding hindi ako magsasawa. Kahit siguro palagi ko siyang...hawakan ay hindi ako mapapagod.

Making love with her is not just a sexual desire for me. It's love.

Kung hindi ko lang inaalala na nag aaral pa siya at kung wala lang akong pakialam sa desisyon niya, baka naglilihi na siya ngayon o baka nga buntis na sa ngayon.

Bumalik na ako sa bayan upang ihatid si Hanabi sa dance school.

Makahulugan iyong tingin niya sa amin ni Selena kanina pero wala  na akong time na ipaliwanag sa kanya kung ano na ang relasyon namin.

"Kuya,will you pick me up?" Si Hana, nakababa na siya ng sasakyan ko.

Tumango ako. "I will. Pero kung hindi ko maharap mamaya, ipasusundo kita kay Max."

"Okay." Tumalikod na siya ngunit muli siyang humarap sa akin. Natigilan tuloy ako.

"Is ate Selena your girlfriend now?"

That's the question I expected. Magsasalita sana ako pero inunahan niya ako.

"I like ate Selena for you. And I can't wait to see my little nieces and nephews. I hope you're working on it."

Nalaglag iyong panga ko sa narinig. Umalis na si Hana pero 'yung gulat ko ay di man lang nabawasan.

Alam kong nagdadalaga na si Hanabi, may isip na siya pero wala akong kaidea idea na napakamatured na niyang mag isip.

Napabuga ako ng hangin.

Hanabi's closeness to Selena is undeniable and I am glad 'cause she likes her as sister-in-law but how about Helios? I despise his gentleness to Selena but I am expecting him to accept her as my wife.

In Too DeepHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin