Kabanata 07

195 8 0
                                    

Kabanata 07
#trespasser

Selena

I didn't expect that Hideo Marqueza would approach me. Sa pinapakita niya kasing ugali,hindi ko talaga lubos maisip na lalapit siya sa akin. Na kauusapin niya ako at bibigyan ng damit para maging komportable ako.

I really appreciate his simple gesture even if we're not in good terms.

Ang hirap lang magpigil ng inis kapag kausap ko siya. Hindi ko rin mapigilan ang mainis kay ate dahil sa mga sinabi niya kay Marqueza.

Dinig ko lahat maski ang sagot ng lalaking iyon. Masakit aminin pero unti unti kong narealized na mali ako--mali kami ni ate sa panghuhusga sa kanya ng walang basehan.

"Akala ko ba galit ka sa Marqueza na iyon?" Seryoso niyang tanong sa akin habang hila hila ako.

"Ate, hindi ako galit sa kanya. Naiinis lang. At magkaiba iyon." Pagtatama ko.

Tumigil kaming dalawa.Pumunta kami rito para magsaya,hindi para mag-away at hindi ako papayag na uuwi kaming may sama ng loob.Ayokong umuwi na kalaban ko ang kapatid ko dahil hindi ko kaya iyon. Makaaway ko na ang lahat basta huwag lang siya--sila ni mama.

"Bakit mo siya pinagtanggol kung naiinis ka? Huwag mong sabihin sa akin na may gusto ka sa kanya?"medyo galit na tanong ni ate sabay bitaw sa akin.

Nanliit ang mata ko. "Saan mo naman nakuha ang ideyang iyan,ate?"

Oo,guapo at mayaman si Marqueza pero hindi iyon sapat para magustuhan ko siya.

"Porket nag-usap kami at tinanggap ko ang binigay niyang damit,gusto ko na siya agad?Ate, walang gano'n."

"Love moves in mysterious ways,Selena." Aniya.

"Paano mo naman nasabi?"

"Dahil naranasan ko na.Naranasan ko iyon kay Hezekiah. Tulad niyo ni Marqueza, hindi naging maganda ang unang pagkikita namin. We argue every time we see each other. Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na hindi ko siya magugustuhan dahil..dahil kaaway ko siya at babaero siya pero mali ako Selena."

"Babaero si Hezekiah?" Medyo gulat kong tanong.

Malungkot siyang tumango. "Kaya hindi ako naglakas loob na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko dahil natatakot ako na baka..baka gamitin niya ang feelings ko para paglaruan ako."

"Magagawa niya ba iyon sa'yo?"

"I don't know. And I don't wanna know. Natatakot ako na maging isa sa mga babae niya Selena kaya pinagtulakan ko siya kay Gemma kahit na..kahit na sinabi niya sa akin na ako..ako ang gusto niya." Natutop niya ang labi.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig.

"Gusto ka ni Hezekiah?" Bulalas ko. "At natatakot ka lang na...kasi..kaya ano..." hindi ko mapagtagpi tagpi ang aking sasabihin pero sinagot ako ni ate ng oo.

Hinawakan niya rin ang isa kong kamay." Pasensya ka na Selena kung pati ikaw ay nadadamay sa kinatatakutan ko. Ayoko lang naman na..masaktan ka kaya...ganito ako."

"Ate,naiintindihan naman kita. Pero..magkaibang tao si Hezekiah at si..Marqueza."

"Boys are the same,Selena. Baka nga mas malala pa si Marqueza kaysa kay Hezekiah."

"Ate..."nagiging judgmental na naman siya.

"Selena,please lang..layuan mo si Marqueza habang maaga pa."

"Kaaway ko siya pero hindi ko siya kailangang layuan,ate."

"You have to,Selena. You have to."

Napailing ako. Hindi naman sa pinagtatanggol ko ang lalaking iyon pero bakit kailangan ko siyang layuan kung wala naman akong ginawa at ginagawang masama?

In Too DeepWhere stories live. Discover now