Kabanata 05

211 6 0
                                    

Kabanata 05
#enchantress

Hideo

Ni minsan ay walang nangahas na pasukin ang hacienda Marqueza kaya hindi ko talaga napigilan ang inis ko sa babaeng nangtrespassed sa teritoryo ko isang gabi.

Hindi raw siya magnanakaw,naghahanap lang daw siya ng alitaptap.Putang-ina! Mukha bang imbakan ng alitaptap ang hacienda Marqueza?

Ang kapal ng mukha niya ah. Magpasalamat siya at pinahabol ko lang siya sa mga aso ko. Magpasalamat siya at pinigilan ko ang mga aso ko bago pa siya makain ng buhay. Magpasalamat siya at hindi ko naisip na kasuhan siya ng trespassing.

"Marqueza!!!"

Nabulabog ako ng sunod sunod na sigaw mula sa labas ng bahay. Alas nuebe na ng gabi,sino naman ang dadalaw sa akin ng ganitong oras? At bakit pinapasok ng gwardya ang mga bandido?

Tumalima ako. Pagkababa ko ng hagdan ng ancestral house,sinugod ako ng apat na lalaki at nag-unahan sila sa pagyakap sa akin.

Actually pinag-agawan nila ako kaya halos mapunit iyong saplot ko sa katawan at nang mayakap na nila ako ay nagsimula silang mag-iyakan.

These motherfuckers!

"Mga hijo de puta!" Sigaw ko sa inis. Lahat na lang ba nababading sa akin?

Pinakawalan nila ako pero hindi pa roon nagtatapos ang aking kalbaryo. Binigyan lang naman nila ako ng tig-iisang sapak sa aking katawan saka nila ako muling niyakap at nagsiiyakan.

Siraulo talaga ang mga kaibigan ko,letse!

Pinatuloy ko sila sa bahay kahit na gusto ko silang ipakain kay Teta. Pinalipat ko sa ranch house ang dalawang kasambahay na kasama ko sana rito kaya pinagsilbihan at pinaghandaan ko ng mamahaling alak ang mga gago.

"Putang ina pre,limang taon kang nawala at limang taon narin kaming nagtitirik ng kandila dahil ang buong akala namin ay deads ka na." Kwento ni Del Fierro. Ang playboy sa grupo.

I hate cheaters. Pero natutuwa ako sa ginagawa niya. Habulin din naman talaga siya. Mayaman siya at may hitsura. Saan pa sila?

"Sinong nagsabi sa'yo?" Tanong ko.

Sabay sabay nilang tinuro si Ramos na kasalukuyang umiinom ng alak sa sarili niyang baso. Pinaningkitan ko siya ng mata. This loud and inquisitive guy, parang gusto ko siyang ilagay sa kabaong na paninda nila.

"Ba't ako?" Angal niya,nanlalaki ang matang nakatingin sa amin.

"Ikaw naman talaga ang nagbalita na patay na itong si Hideo Marqueza." Usal ni Ross. The peacemaker and sometimes troublemaker. Mayaman din ang isang 'to at habulin ng putang inang babae.

Sumang-ayon ang tatlo. Si Ramos naman ay nginitian ako ng malapad sabay peace sign.

"Tang-ina mo!" Singhal ko sabay bato sa kanya ng ice cube. Nakailag nga lang ang gago.

Nagkwentuhan kami about random things. Kapag nagtatanong sila kung anong nangyari sa akin ay sinasagot ko ng pabalang. Ayaw kong malaman nila kung ano ang dinanas ko. And I don't want them to pity me.

Syempre napuno ng tawanan ang usapan namin. Ang lakas ng tama nila eh. Lalo na si Ramos,kung ano ano ang tinatanong sa amin. Kahit ang obvious ng sagot ay nagtatanong talaga. He's the most inquisitive guy I've ever met.

"Ano na ulit ang ginawa mo noong nawala si Marqueza?" Tanong ni Ramos kay Imperial.

"Umiyak." Sagot niya.

"At anong ginagawa mo ulit ngayong meron na siya?" Tanong na naman ni Ramos.

"Umiiyak habang kumakain ng pulutan."

In Too DeepWhere stories live. Discover now