Kabanata 43

105 4 0
                                    

Kabanata 43
#kiss


Selena

Premarital sex.

Pregnancy.

Those are the things I have prevented for almost 21 years of my life. Masipag akong mag aral at ni minsan ay hindi sumagi sa isipan ko ang mga iyon.

I don't even think of Hideo Marqueza as my boyfriend, husband and father of my children--but that was before. Now, I am living with those facts.

I glued my attention to the result of ultrasound examination. Pinagpipilitan ko talagang hindi ako buntis pero nagwagi si Hideo sa hinala niya. Buntis ako. It's been 6 weeks now. Maliit pa iyong tiyan ko. At normal lang iyon.

Doubts and fears are still here--weakening the faith I have. But when I heard the heatbeat of our baby, I couldn't stop myself from smiling. Nakaramdam ako ng tuwa sa tibok ng puso ng baby namin ni Hideo.

"I told you you're pregnant." Hideo held my tummy. I felt his warm hand. And it feels so... comfortable.

Sumulyap ako sa kanya. Ang lawak ng ngiti niya. Kanina pa siya ganyan. Malapit nang mapunit iyong labi niya sa kakangiti. And it's transferrable. Napangiti tuloy ako.

Hinawakan ko iyong palad niyang nakahawak sa tiyan ko. Tumitig ako sa mga mata niya. Alam kong nabawasan iyong tiwala ko sa kanya pero handa na akong ibigay ulit iyon ng buo.

For our baby.

"Sasabihin na ba natin?" May pag aalalang turan ko.

Sa totoo lang ay diko alam kung paano ito ipapaalam sa pamilya ko.Suportado naman ni mama ang pagbubuntis ko kasi excited narin siyang magkaapo pero nahihiya parin ako. Natatakot.

"Sa tingin ko,iyon ang mas mainam na gawin,Selena. Ayaw kong isipin nila na kaya kitang buntisin pero hindi kayang pakasalan."

He's right! I don't want them to think that our child is an illegitimate one. Though, he's a product of premarital sex, at least Hideo married me. Matagal naman na sana kaming kasal kung pumayag lang ako noon pa.

"Sinabi mo na kay Helios na kasal na tayo?"

"Yeah! It's useless to hide it from him."

"What did he say?"

"Uhmm. Marami. At medyo nagtatampo kasi hindi natin siya nainvite pero okay na siya. Nakita mo naman iyong reaksyon niya kaninang nalaman niya na... buntis ka."

Yeah! He looks happy and excited like Hideo. Kaya siguro atat na magkaroon ng anak si Hideo para magkaroon na ng buhay ang bahay nila--ang buong hacienda Marqueza. Dama ko kasi 'yung lungkot sa tuwing pumupunta ako sa kanila. Kahit maraming tao,parang patay ang nakatira.

Pumarada si Max sa tapat ng aming bahay. Sasabihin na talaga namin ni Hideo iyong tungkol sa naganap na kasal at itong pagbubuntis ko.Tama rin naman kasi si Hideo. Malalaman din nila ang lihim namin lalo na kapag lumaki na ang tiyan ko.

Sabay kaming pumasok sa kabahayan. Hawak ko iyong envelope galing sa hospital, laman nito ang ultrasound ng baby namin ni Hideo.

Surprise sana iyong gender niya pero gusto agad ni Hideo na mareveal. And he's a baby boy.Isa rin ito sa alam kong dahilan kung bakit ang lapad ng ngiti ni Hideo.

We're having a baby boy--a little version of him and I am also excited to see him.

Ano kayang magiging hitsura niya paglaki?

Kasing guapo rin kaya niya si Hideo?

Kasingtangkad?

Kasingtalino?

In Too DeepWhere stories live. Discover now