Kabanata 47

110 3 0
                                    

Kabanata 47
#guilty

Selena

Sa sobrang aga namin pumapasok ni ate sa school, naabutan namin palagi ang flag ceremony. Sa likod lang naman ako nakikihilera samantalang si ate, nagpupunta siya sa mga kaklase niya.

Sinasadya niya ata iyon para paglaanan ng space iyong taong nasa likuran ko. Sa lakas ng presensya nito,alam na alam ng sistema ko kung sino ito.

Sa dami ng linyang pwede niyang puntahan,sa linya ko talaga at sa mismong likuran ko siya nakapwesto.Anyway,once a week lang naman ang flag cem at every monday lang ito. Pero shit! Ilang lunes na ba ang nagdaan?

Pagkatapos ng flag ceremony at kaonting announcement, naglakad na ako paalis. Pinilit kong iniiwas ang mga mata ko kahit na minamagnet ni Marqueza iyong tingin ko.Hindi naman niya ako sinundan kasi magkahiwalay ang building namin.

Dumiretso ako sa classroom, naabutan ko iyong mga kaklase kong todo review for long quiz. Wow hah! Di sila nakiflag cem para makareview. Unfair!

Pagdating ng teacher namin,umayos na ako ng upo. Naghanda na ako ng ballpen at extra paper para sa quiz namin.

This will be the last quiz for biochemistry. Bukas,may quiz at graded recitation pa kami sa ibang subjects. May laboratory activities pa then next week ay preliminary examination na. Ang bilis ng panahon.

Meydo natagalan akong sumagot sa ibang items na nakapaloob sa quiz namin. Bigla akong natulala sa papel ko dahil sa pagsagi ni Hideo sa isipan ko. Nakikita ko iyong guapo niyang mukha sa hawak kong materyal.

Pinilig ko ang aking ulo upang iwaksi siya sa aking isipan. Makalipas ang ilang saglit ay nagpasa narin ako ng papel saka lumabas agad. Bawal tumambay sa loob ng room habang mag nagtetake pa ng quiz.

I sent a message to Kyla via messenger. Pinaalam ko lang na bibili ako ng meryenda sa canteen. Baka hanapin niya ako rito sa labas eh.

Pumasok ako sa canteen. Nandito palang ako sa entrance ngunit nagtama agad ang paningin namin ni Marqueza. Nakapila siya at wala siyang kasama--hindi niya kasama iyong dalawang mokong.

Seriously, palagi siyang kumakain dito sa canteen na para sa mga ordinaryong estudyante gaya ko. May sarili naman silang canteen pero laging nagkukrus ang landas namin dito.

Umiwas ako ng sulyap at lumakad ng normal upang ipakita na hindi ako affected sa kanya. But damn! He looks neat and tidy in his school uniform!He's such a perfect creation! At kusang bumabalik ang mata ko sa kanya.

Sinuway ko ang aking sarili saka tinapangan ang aking expression bago pumila. Nasa likod ako ni Marqueza,nakapila kaming dalawa. Isang linya lang naman kasi ito.

Nanlaki ang mata ko nang humarap siya sa akin.Binalewala ko iyong titig niyang humahaplos sa aking kaibuturan pero ang hirap! Pinaglaanan ba naman niya ako ng space sa harap at pumunta siya sa likuran ko.

God! I have to calm my fucking nerves or else,matutumba ako rito sa sobrang kaba.

Bumili ako ng pagkain ko. Coke at cassava cake iyong napili ko. Lumayo ako kaagad sa counter nang maiabot ko iyong bayad pero tinawag ako ni...Hideo.

"Selena,may nakalimutan ka."pabatid niya sa normal na tono.

Shit! Tumigil ako at pumikit. Imbes na iniiwasan ko siya eh! Bibigyan pa ako ng dahilan para bumalik. I turned around and I almost jumped in surprise when I caught Hideo's blazing eyes.

Lakas loob akong lumapit sa counter--sa kanya. Kukunin ko iyong barya ko kasi sayang 'yun! Pwede pang ibili ng meryenda mamaya.

"Akin na." Walang buhay kong sabi.

In Too DeepWhere stories live. Discover now