Kabanata 44

101 3 0
                                    

Kabanata 44
#hurting

Selena

--

Hideo:
Baby,mag iinuman lang kami saglit.

Selena:
Okay. Konti lang inumin mo ah.

Hideo:
Opo.

Selena:
Umuwi ka rito. Hihintayin kita.

Hideo:
Opo. I love you.

Selena:
I love you.

Naghintay ako.

Naghintay ako ng text. Ng tawag. Ng update. Dilat na dilat iyong mga mata ko hanggang hating gabi. Umaasa na makatanggap ng balita mula kay Hideo.

Panay ang text ko kasi ang tagal niyang dumating. Ang tawag ko,di niya sinasagot. Alas dos na yata ng madaling araw nang dalawin ako ng antok.

Ang sabi ni Hideo,uuwi siya sa akin. Ang sabi niya,babalik siya sakin.Pero tang ina! Walang Hiideo Marqueza na dumating! Hindi ako binalikan ng asawa ko. Hindi niya ako inuwian!

Umaga na pero wala parin siya! I am worried. Kahapon pa dumadagundong iyong dibdib ko noong nagpapalaam siya sa akin. Kakaiba iyong lakas no'n. Hindi kilig ang dala no'n at ngayon lang ako sobrang kinakabahan ng ganito.

Ayaw kong isipin na baka may nangyaring masama sa kanya sa daan. Iniiwasan kong mag isip ng negatibo,makakasama ito sa akin--sa dinadala kong bata. Pero diko mapigilan.

Ang drama ko na. Marahil ay epekto ito ng pagbubuntis ko pero pakiramdam ko,may iba pang dahilan kung bakit ako binabalot ng takot--ng labis na pag aalala.

Dinampot ko ang phone kong nasa side table. Masama ang radiation sa baby ko pero need kong sumagap ng balita about kay Hideo.

Hawak ko ang phone ko nang lumabas ako. Alas nuebe na ng umaga,medyo late nako nagising. Inaantok pa nga ako eh. Masakit iyong ulo ko.

Nakita ko si ate sa may bintana,naglalaba sa may poso.Hindi na pumapasok si ate sa trabaho kasi malapit ng magsimula ang first semester. Si mama naman,baka nasa eskwela na.

Naupo ako sa upuan na hinigit ko sa tapat ng lamesa rito sa kusina. Kakatimpla ko lang ng gatas. At mas lalo kong namimiss si Hideo kasi siya palagi ang nagtitimpla ng inumin ko.

Grabe! Halos isang araw ko palang naman siyang hindi nakikita at nakakasama pero sobrang lungkot ko na. Diko rin mapigilan ang pag usbong ng tampo ko kasi hindi siya umuwi sa akin.

Humigit ako ng malalim na hininga. Kakapalan ko ang mukha kong i-chat ang mga kaibigan niya.Offline kasi si Hideo. Diko narin makontak iyong numero niya.

Si Ezechiel ang papadalhan ko ng mensahe since mas close ko siya kaysa kina Desland at Terenz. Close ko rin naman si Nick pero alangan naman na i-message ko siya eh hindi rin ako sure kung nakasama ba nila ang lalaking iyon. Wala kasi siya kahapon.

Selena:
Hi! Sorry kung sa'yo ako magtatanong.

Selena:
Nag alala lang kasi ako kay Hideo. Kasama mo pa ba siya ngayon?

Kinagat ko ang labi ko. Inaabangan ko ang reply ni Ezechiel kahit hindi pa siya online. Makalipas ang ilang saglit ay nakita kong naseen na niya iyong chat ko. Nakaramdam ako ng tuwa roon.

Zion Ezechiel:
Hindi mo ba siya macontact,Selena?

Selena:
Nakontak ko pa naman kagabi. Ngayon,hindi na. Nakashutdown ang phone.

Zion Ezechiel:
Kasama ko siya kagabi.

Zion Ezechiel:
Nag inuman kami sa mansion nila.

Zion Ezechiel:
He left. Around 11 pm.

In Too DeepWhere stories live. Discover now