Kabanata 50

89 5 0
                                    

Kabanata 50
#titulo


AN: This chapter is dedicated to Red. Very supportive like Elyz. Labyu guys!🫶👌

--

Selena

May mga bagay talagang basta na lang dumarating sa ating buhay.

May mga bagay na kahit hindi natin hilingin,kusa itong ibibigay sa atin.

Gaya na lamang ng pagdating ng mga dagok ko sa buhay. Sunod sunod ba naman iyong quiz namin sa major subjects. Maging iyong demo teaching ay nakisabay sa listahan ng mga gagawin ko.

Sa labis na abala ko sa acads,hindi ko na namalayan na higit isang linggo na palang hindi nagkukrus ang landas namin ni Hideo. Kahit noong araw na umamin si Anna sa kagagahan niya,hindi kami nagkita ni Hideo nang araw na iyon.

"Selena,maglalabas tayo ng new features sa school publication. At ikaw ang inaatasan kong magsulat ng news about Hideo Marqueza." Pabatid ni Red,kadepartment ko siya pero English ang kinukuha niyang major at siya ang editor-in-chief ng Estrellan Gazette.

"Hah?Bakit ako? Hindi ako member ng EG."

"Alam ko 'yun,Selena. Pero hindi naman lingid sa kaalaman mo na tumatanggap kami ng masterpiece from aspiring writers and journalists. At saka,nabasa ko na iyong mga entry mo noong nakaraang taon kaya alam kong maganda ang kalalabasan ng kwento ni Hideo."

Ngumiwi ako upang ipakita kay Red at sa iba pang kasapi ng EG na hindi ako pabor sa gusto nilang mangyari. Ang dami ko pang gagawin at hindi ko na kayang isingipit itong assignment na ito.

"Selena,ikaw na lang ang pag asa namin about sa kwento ni Hideo."

"Anong kwento ba ang gusto niyong i-feature at bakit ako pa ang kailangang mag sulat?"

"It's about his intellect,Selena." Sagot ni Red. "Matalino si Marqueza kaya i-fi-feature natin siya sa publication."

"Hindi lang naman siya ang matalino ah. Bakit siya pa ang need na i-feature?"

"Selena,hindi mo ba alam? Sa lahat ng naganap na admission test,siya lang ang nakakuha ng 97% rating. Almost perfect."

Sumingit iyong isang myembro ng EG sa usapan namin ni Red. "And that's not the only reason why we have to include him in EG news. You know, he also managed to surpass two-year-level in BS Architecture program. Making him the first Villa Estrellan who will and can finish the course for three years. Eh alam mo naman na five years ang Arki."

Shit naman! Ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit hindi siya nakisali sa welcome walk ng mga freshies. Kasi third year na siya kaagad. Nakakainis!

Bakit ba kasi ang talino ni Hideo?

"And to answer your question why we asked you to write about him, it's because we know your relationship with him. May tenga at mata ang balita,Selena." Paliwanag ni Red.

"Yeah! Hideo isn't snob I guess but he's not approachable either. Nakakatakot siyang lapitan. Kung may makalapit man, sigurado akong dahil iyon sa kakapalan ng mukha."singit ulit nong isa.

"Sinasabi niyo ba sa akin na makapal ang mukha ko?"

"No!" Tanggi nila agad.

"Sinasabi lang namin sa'yo na ikaw ang magsulat ng kwento ni Hideo at Ikaw narin ang mag interview sa kanya para mas mapadali. Need na kasing maglabas ng EG ng printed news bago mag start ang second sem."

I'm on second thought. Ang dami ko talagang gagawin ngayong buwan na ito. Nalalapit narin ang midterm examination kaya need kong magfocus sa studies ko.

In Too DeepWhere stories live. Discover now