Kabanata 48

93 4 0
                                    

Kabanata 48
#birthday

Selena

"Huy,Selena! Alam mo na ba?"

"Hindi pa. Ano ba 'yun?"

"Pinatawag sa guidance office si bebelabs mo kanina lang. "

"Ha? Bakit? Sinong kasama niya?"

"Si Nick. Saka si Justine."

What?

Nalalapit na ang birthday ko. Tinatanong ako ni ate kung anong balak ko pero wala na akong panahon para i-celebrate ito. Sa dami ng academic obligations ko,mas gugustuhin ko na lang gumawa ng mga activities, assignments at iba pang mga bagay na related sa studies ko.

Ang dami kong iniisip na gagawin.Dumagdag pa itong binalita ni Kyla sa akin. Masaya pa naman ako kanina habang nakikinig ng discusssion pero ngayon,ewan ko na. Umaakyat ang inis sa aking sistema.

"Kyla,tawagin mo ako kapag dumating na si sir Junn ah. Pupunta lang ako sa guidance office."

"Okay,sige. Dalian mo ah. Alam mong ayaw ni sir Junn ng late."

Tumalima ako.Diretso ang tingin ko sa aking dinaraanan. Binabati ako ng ibang students, iyong mga nakilala ko noong acquaintance party. Naging instant celebrity ako ng gabing iyon at mas sumikat ako dahil sa kaganapan sa canteen noong nakalipas na linggo.

Ikaw ba naman ang pag awayan ng mga guapong nilalang? Ikaw ba naman ang pag agawan? Ikaw ba naman ang angkinin ng isang Marqueza?

Pero kung natutuwa iyong mga babae sa gano'ng sitwasyon,ako ay hindi. Ayaw kong may nagkakasakitan ng dahil sa akin.

Yes,I hurt Hideo Marqueza physically and...emotionally but that's because of us--our struggles,our issues. Dapat wala ng madamay na ibang tao.

Paakyat pa lamang ako papuntang guidance office nang mamataan ko si Justine. Naka uniform siya pero may suot siyang hoodie jacket at nakatakip iyong hood sa kanyang ulo.

"Justine!" Tawag ko,palapit ako sa kanya.

Sumulyap siya sa akin pero mabilis siyang umiwas ng tingin. Lumihis siya ng landas upang hindi kami magkasalubong.

"Justine!" Hinabol ko siya. Sa awa ng dyos,naabutan ko siya. Nakaharang na ako sa kanyang harapan.

"Anong kailangan mo sa akin?" Malamig niyang sabi,sa ibang direksyon parin siya nakatingin.

"Si Marqueza ba ang may gawa niyan sa'yo?" Tukoy ko sa mukha niya.

Justine's face were full of wounds and bruises. Putok iyong gilid ng kilay at labi niya. Namamaga iyong pagmumukha niya na halos di na niya maidilat iyong isa niyang mata.

"Justine,sinaktan ka ba ni Hideo? Siya ba ang may gawa niyan?" Pag uulit ko,umaahon na ang galit sa aking kaibuturan. "Justine,sagutin mo ako."

Umiling siya. "Wala karin naman magagawa kahit sabihin ko sa'yo kung sinong may gawa nito sa akin."

"Alam ko. Pero si Hideo ba ang may gawa niyan sa'yo?"

Sumulyap siya sa mukha ko. "You know the answer, Selena. And this will be our last conversation. I don't want to die because of a girl."

Umalis na siya.May kasalanan din si Justine kung bakit nagalit sa kanya si Hideo pero hindi naman yata tama na...saktan siya ni Hideo ng ganito.

Tang ina!Hindi ko na alam kung kanino ako magagalit. Kung kay Justine ba? kay Hideo o sa sarili ko?I calmed myself even if it's hard for me.

Kasalukuyan pa lamang akong nag iisip kung ano ang susunod kong gagawin nang makita ko si Nick, naglalakad siya papunta sa CAE building. Didn't he notice me? Or he ignored me purposely? But why?

In Too DeepWhere stories live. Discover now