Kabanata 54

104 4 2
                                    

Kabanata 54
#backyard

Hideo

I can't believe I managed to survive the gloomy days and cold-depressing nights. I can't even imagine I have surpassed the lonely weeks without Selena by my side.

Is it good or bad?

If it's good for me,why do I feel afraid by the thought of me--moving on?Why do I feel hurt by the thought of living in a place without her?

If it's bad,why do I find truce the moment I have stopped stitching the holes in our relationship?

Wait.. did I stop? No. Malayo man ako sa kanya,alam ko sa sarili ko na may pakialam parin ako kay Selena.

Kahit paulit ulit niya akong i-reject,mahal ko parin siya at umaasa ako na magkakaayos parin kaming dalawa. Maybe she just need enough time to compose herself,to calm her nerves,and to think.

Pero ano pa ba ang kailangan niyang pag isipan?

Napatingin ako sa suot kong wedding ring. Humawak ako rito saka nilaro habang nag iisip.

If I break our marriage,will it make her happy? Matutuwa ba siya kapag...pinalaya ko na talaga siya?

Shit! Ang dami kong tanong pero binura ko na agad. Ayoko nang isipin 'yun. Masakit.

Pumunta ako sa canteen,bibili lang ng malamig na coke para mahimasmasan ako. Kung ano ano nang pumapasok sa isipan ko eh.

Ginala ko ang paningin ko,hinahanap ko si Selena. Hindi ba siya bibili ng meryenda? Usually,quarter to 10 siya nagagawi rito para bumili.May klase ako sa time na ito pero nag excused ako. Palagi. Dito rin ako madalas kumain ng lunch.

Inaagahan ko rin pumasok every Monday kahit alas nuebe ang klase ko kasi gusto ko siyang makasabay sa flag cem.

Seriously,I want to see her always and in all ways. Kahit dina kami mag usap,basta makita ko siya. Okay na ako.

Nagfocus ako sa pila at makalipas lamang ang ilang minuto, na-sensed ko ang presensya ni Selena kaya lumingon ako sa entrance ng canteen. And right there, she looked at me.

We're gazing each other's serious faces until she broke it like she's not affected. Nakipila siya sa linya ko at nakatitig parin ako sa mukha niya kahit hindi niya ako pinapansin.

I turned around and faced her. Nangawit narin ako dahil kanina pa ako nakalingon sa gawi niya. I want to talk to her but I don't know what to say. I feel nervous all of a sudden.Pumunta na lang ako sa likuran niya dahil baka mapansin niyang kabado ako.

Selena bought what she wants when it's already her turn. Naiwan niya iyong barya niya sa pagmamadali. Or ayaw niya lang sa aking presensya kaya atat siyang umalis? Maybe. Feeling ko napilitan lang din siyang bumalik para sa barya niya.

She hate me that much?

Bumalik na ako sa classroom nang makabili ako. Active ako sa klase. I mean sumasagot ako kapag tinatawag ako ng professor. Ginagawa ko ang mga requirements namin especially plates. Pumapasok ako sa school kahit na hindi naman na kailangan.

Lumipas pa ang mga araw at sumapit na ang preliminary exam week. Alam kong hindi na ako aabot ng midterms pero nandito ako sa library para magbasa at makapaghanda sa exam,kasama ko iyong dalawang ugok.

Nasa libro at notes ko iyong atensyon ko nang mapansin ko si Selena,nakatayo sa bandang gilid at kasama nito ang kaibigan niya. I roamed around my eyes, trying to search available chairs but there's none.

May isang bakante dito sa pwesto namin at pinagdasal ko na sana ay pumunta siya rito. Napalunok ako dahil natupad iyong nais ko kaso ay mahihirapan siyang magreview kapag nagshare sila ng kaibigan niya sa iisang upuan.

In Too DeepWhere stories live. Discover now