Kabanata 20

168 4 0
                                    

Kabanata 20
#portrait

Selena

Magkahalong inis at tampo ang lumukob sa akin nang kanselahin ni Hideo iyong date namin.

Sinong hindi maiinis?

Ang sabi niya ay susunduin niya ako ng maaga pero alas onse na ng umaga ay hindi pa siya dumarating.

Sino ring hindi magtatampo?

Ang tagal niyang nag-update sa akin. Iyong excitement ko ay naglaho na parang bula.

Ilang araw kaming hindi nagkita. Nag-uusap kami sa phone pero hindi iyon sapat.

Gusto ko siyang makita at makasama ng personal.

Gusto kong sabihin sa kanya na...mahal ko rin siya.

Hindi ko alam kung paano o kailan pero sa tingin ko ay iyon talaga ang nararamdaman ko.

Hindi lang basta "gusto" iyong nararamdaman ko para kay Hideo Marqueza.

"Selena!" Masiglang tawag ni Kyla sa pangalan ko. Tumakbo siya patungo sa akin. "Ang blooming mo ah! Dahil ba 'yan sa señorito mo?" Biro niya sa akin.

"Sira!Kojic lang ito." Biro ko naman kahit hindi naman kojic ang sabon ko.

Dati na akong maputi kaya hindi ko na kailangan ng sabong pampaputi. Gumagamit din ako ng cosmetics pero hindi ako gaanong mahilig sa makeup. Kaonting lipstick at blush on lang,okay na.

Humagikhik si Kyla. "Sino ba 'yung señorito mo? Yung crush mo ba 'yun?"

Napatingin ako sa masayang mukha ni Kyla. "At sinong crush ko 'yun? Parang wala naman akong natandaan na may crush ako."

"Huy,diba si Justine Sandoval? Si future engineer mo."

Saglit akong nag-isip kung sino iyong tinutukoy ni Kyla. Uminit iyong pisngi ko pagkaalala sa mukha ni Justine.

Nabanggit ko ngang crush ko siya noong naglaro kami ng truth or dare noong send-off party namin sa mga fourth year students na education ang kurso.

At nakakahiya kasi kumalat sa department namin na crush ko siya. Pero dati 'yun. Si Hideo Marqueza na ang crush ko ngayon.

"Hindi nuh!" Kagat labi kong tugon.

"Hah? Eh sino 'yung tinutukoy mo sa myday mo kung hindi si Justine?"

"Wala 'yun. Kunwari lang 'yun para hindi naman ako mapagkamalang tomboy."

Humalakhak si Kyla with matching palo sa braso ko. "Paano ka naman mapagkakamalang tomboy eh ang dyosa mo. Ang dami ngang nagkakagusto sa'yo sa campus,hindi mo lang pinapansin."

Hindi ko nga sila pinapansin kasi iyong mga sumubok na manligaw sa akin eh mukhang hindi naman seryoso sa akin. Parang nakitruth or dare lang.Tapos iyong iba,mukhang dugyutin. Hindi naman sa maarte ako ah pero big deal sa akin ang hygiene.

"Ayoko sa madumi ang kuko. Gusto ko 'yung mabango parin tignan kahit pawisan. Gusto ko rin iyong umiigting ang panga." Sabi ko habang iniisip iyong mga fictional characters sa wattpad.

Halos lahat ng fictional characters ay ganoon ang description kaya hindi ko alam kung tao pa ba si Hideo Marqueza.

Siya lang naman ang masarap sa paningin ko kahit pawisan. At kahit pawisan 'yun,mabango at guapo parin.

Pero seryoso, malinis sa katawan si Hideo. Naiinggit nga ako sa mga kamay at paa niya na parang pagmamay-ari ng maarteng babae.

Iyon nga lang,hindi ko pa nakitang umigting iyong panga ni Hideo Marqueza.

In Too DeepDonde viven las historias. Descúbrelo ahora