Kabanata 09

160 6 0
                                    

Kabanata 09
#ilog

Hideo

I kissed Selene Asteria Eugenio?

That witch?

I kissed her?

Impossible!

I never kiss and I will never kiss a ferocious girl like her!

Wala sa bokabularyo ko ang binibintang niya sa akin! Marahil ay siya...siya talaga ang humalik sa akin kasi nahuli ko na naman siyang naghahanap ng alitaptap. Inakit niya lang ako para hindi ko siya ipahabol sa mga aso ko. Sinamantala niya ang kalasingan ko!

Natigilan ako sa aking naisip.

Lasing ako that time kaya hindi ko matandaan ang nangyari gano'n ba?

Napamura ako. Ngayong hindi ko inaalala ang nangyari ay saka naman nagsisink-in ang lahat at hindi ko matanggap ang mga bagay na pumapasok sa aking utak.

"Ano pre? Masarap ba? Masarap ba ang labi ni Selena?"

Uminit ang pisngi ko sa tanong ni Ross. Kanina pa ako inaasar ng lalaking 'to. Kahit ang daming tao sa paligid ay paulit ulit niyang tinatanong kung masarap ba ang labi ni Selena.

"Pagkain ba ang labi ng babaeng 'yun at tinatanong mo sa akin kung masarap?" Iritable kong tanong.

"Hindi siya pagkain pero pwede mo siyang kainin araw man o gabi." Kindat niya sa akin.

Pinanliitan ko siya ng mata. Sa pagkakaalam ko ay si Del Fierro ang may paborito sa push and pull pero bakit parang nahilig narin sa science ang lalaking 'to?

"Ano,Marqueza? Masarap ba ang labi niya?"

"Hindi ko siya hinalikan." Mariin kong sagot sabay irap sa kanya.

"Sige lang pre,magdeny ka. Narinig ko ang lahat ng pinag-usapan niyo ni Selena kaya magdeny ka lang hanggang sa mamatay kang birhen. Ay! Semi-virgin pala."nakangisi niyang sabi.

What the heck? Semi-virgin?

Okay lang mamatay na birhen o semi-virgin. Okay lang kahit asarin niya ako. Ang hindi okay sa akin ay ang sasabihin ni Helios dahil maski siya ay narinig ang lahat ng pinag-usapan namin ng babaeng iyon.

"Hindi ko siya hinalikan."

Inakbayan niya ako."Oh sige,sabihin na lang natin na hindi mo siya hinalikan. Sabihin natin na siya nga ang humalik sa'yo. Pero bakit niya gagawin iyon? Anong rason Marqueza?"

Natigilan ako at napatingin sa kanya. "Hindi ko alam. At wala akong balak na alamin." Tinabig ko ang braso niya. "Tigilan mo ang pagdikit sa akin dahil baka mabasag ko ang pagmumukha mo."

Tinawanan niya ako. Diyan sa magaling,ang pagtawanan ako kahit umuusok ang ilong ko sa labis na inis.

Sinamaan ko siya ng tingin. Gusto ko siyang bigwasin pero nakuyom ko ang aking palad hindi dahil sa nakaiirita niyang tawa kundi dahil sa mga eksenang sumasagi sa aking isip.

Natatandaan ko na.

Natatandaan ko na ang nangyari nang gabing iyon.

And it's me.

It was really me who kissed Selena.

I kissed her not just once. I kissed her twice! Twice man,twice! How could I do that?

"Damn it!"Hindi ko mapigilan ang pagkawala ng malulutong na mura sa aking bibig. Ginulo gulo ko ang kulot kong buhok sa labis na pagkadismaya sa aking sarili.

I meant no harm when I kiss her. I just wanna..scare her away. Para hindi na siya umulit, 'yun ay kung effective.

Uminit ang pisngi ko nang magflashback sa utak ko ang pagdampi ng labi ko sa labi niya. I can't remember how it taste but it's really heating my face. Now I wonder how it feels to be kissed.

In Too DeepWhere stories live. Discover now